MY 39TH BIRTHDAY: PICNIC GROVE TAGAYTAY 🎉
Kasalanan talaga ng spaghetti kung bakit napunta kami sa Picnic Grove Tagaytay. lol. Option B ko lang sana siya and I had actually booked an overnight camping with my family, kaya lang basta. Ang daming nangyari. To cut the long story short, we ended up rebooking our camping trip and spent my birthday at Picnic Grove Tagaytay. Lesson learned: wag na magluto sa bahay bago mag camp. Haha.
We paid 200 pesos for the entrance fee and parking fee. Supposedly may bayad din ung picnic table but no one came around to ask for payment. Wala din naglilinis, so ung mga mesa either basa or may mga mumo ng pagkain. Luckily, nakahanap kami ng maayos na spot.
Dinala namin ung niluto ko na spaghetti and fried chicken. Nagdala din ako ng sliced loaf bread na binawasan na ni Agatha nung nasa sasakyan palang kami. Bumili din kami ng bananacue at taho sa mga naglalako sa loob ng park.
We ate quietly and just enjoyed the surroundings. Nakinig nalang kami sa tsismisan ng mga estudyante at hiyawan ng mga namamasyal na magkakamag-anak.
Pagkatapos kumain at magpahinga, naglakad naman kami sa elevated walkway. Puro paakyat naman ung daan kaya para na din kaming nag exercise. Maya't maya tinatanong namin si Agatha if she's tired, pero 'no' daw. Haha. Di naman kami nagmadali, we took our time.
Grabe, 39 years old na ako. So thankful that I became a mom. Ang wish ko, mabuhay kami ng matagal para kay Agatha. Yung aabot pa sa year 2075! Si Agatha 52 years old na nun, kami naman ni dadi Cy halos 90. Sana nga no, tapos malakas parin kami. 🙏🏻
After Picnic Grove, we headed next to Acienda Designer Outlet to buy myself a birthday treat kasi niregaluhan ako ng cash ni dadi Cy. Thank you so much. :)
Next year, it's my 40th!!!
VLOG ⬇️
Comments
Post a Comment