PANDEMIC

March 17 nag-umpisa ang enhanced community quarantine. Hindi na rin pumasok sa office si Cy simula nun, so 9 days na kaming parating magkasama sa bahay. lol.

Stay-at-home wife na ako since last year kaya hindi naman ako masyadong naninibago sa hindi paglabas ng bahay PERO I think ito ung pinaka-matagal na hindi ako pumunta ng supermarket or palengke. 

Buti nalang may Netflix subscription kami, and I have been watching Modern Family. Lagi akong pinapaluha ng show na to every after an episode.
    As of today, patatas and sayote nalang ang natitirang mga gulay ko sa ref and I need to replenish some items sa kitchen kaya makakalabas na din ako para mamili. Ready na ako sa mahabang pila at social distancing at sa ipapasuyo ng mga kapitbahay namin if ever.

    Nakatanggap na kami ng isang sabon, isang maliit na Zonrox, bigas at sayote. Salamat! :)

    May nakita akong post kanina ng Manila Bay sa bandang Mall of Asia. Ung tubig lumilinis at gumaganda na ang kulay habang tayo ay naka-lockdown. I felt really happy nung nakita ko un. Masaya din ako para sa mga hayop na nag-eenjoy sa kalikasan sa iba't ibang parte ng mundo ngayong wala masyadong tao sa labas. Pero nalungkot din ako agad kasi alam kong babalik ulit sa dati ang lahat: dumi, kalat, kung anu-anong gulo. Madaming hayop ang muling masasaktan sa kagagawan ng mga tao. Hay. 

    Naisip ko na naman kung tama bang magkaron pa kami ng anak sa lagay ng mundo ngayon. 

    Malapit na kaya mag-expire ang planet Earth?

    Thankful ako na meron kaming pagkain sa araw-araw, may kuryente, may tubig, may internet, at madaming pwedeng pagka-abalahan kahit ganito ang sitwasyon at nagpapasalamat ako na nasa mabuting kalagayan ang mga mahal ko sa buhay.

    Kelangan kong i-push sarili ko para maging more disciplined para mas madami akong ma-achieve sa buhay. 

    Hanggang kelan kaya ang sitwasyon na to? Nakakamiss na gumala.

    Ano naman kayang ulam namin bukas? At kelan kaya ako pupuntang supermarket at palengke? Try ko sa Friday.

    Si Cy naman nanonood padin hanggang ngayon ng Money Heist. Mamaya pa yan matutulog.

    Comments

    Popular Posts