I SURVIVED SOLO PARENTING FOR TWO WEEKS

Cy continued the last and longer segment of his Philippine loop kaya naiwan kami ni Agatha sa bahay for two weeks.


Habang wala si Cy, inayos ko ung sala namin. Dati kasi nakasandal sa dingding ung mga sofa, delikado na kay Agatha. Baka maisipan nyang lumusot sa bintana, eh nasa second floor pa naman kami. Ung playmat naman nasa gitna para in case mahulog or madulas sya sa upuan habang naakyat or nababa, at least my cushion. But this is just a temporary setup. After ilang weeks babaguhin ko na naman ung arrangement ng mga gamit sa living room depende sa sitwasyon.

I also needed to run errands habang wala si Cy kaya nakapagdrive ulit ako ng kotse.


Nung una kinakabahan ako kasi kasama ko si Agatha, baka may mangyaring di maganda sa daan o kaya magwala sya sa car seat nya pero eventually bumalik na ung confidence ko in driving at well-behaved naman si Agatha sa upuan nya kahit wala ako sa tabi nya.


I even drove my in-laws to an eye clinic in Biñan, Laguna kasi may gagawing procedure sa mata ni ama, hindi sya makakapag-drive pabalik ng Tagaytay.

Anyways, my brother and his wife, Yen, invited us to stay sa bahay nila in Laguna for a few days. Nung una hesitant ako kasi it would take us an hour or so sa biyahe. They offered naman na sunduin at ihatid kami pabalik sa Tagaytay pero I didn't want to bother them. Naisip ko sayang naman ung chance na makapag bonding si Agatha at first cousin nya na si Daxton for a few days kaya pupunta pa din kami ng Laguna kahit kaming dalawa lang muna.
 

Buti umabot ung binili kong car back seat organizer online na may transparent pocket for cellphones. Hinayaan kong manood si Agatha ng favorite shows nya habang nasa biyahe para ma-entertain naman sya. Ako naman nainom ng iced Spanish latte para alert sa daan.


Thank God we arrived in Laguna safe and sound. Gabi na kami nakarating sa dami ng dinaanan namin. Nakapag stopover kami sa isang coffee shop, pasalubong shop, at sa Landers kung san ako nag CR at namili ng kaunti. O diba, super mommy na ako. Hehehe.


It's nice to be away from home. Away from mga gawaing bahay and everything. Haha. Pero nilutuan ko naman sina Martin ng corned beef with Baguio beans at tumulong ng kaunti sa mga ligpitin.

Later that afternoon nagkayayaan pumunta ng Solenad para makapaglaro sina Agatha at Daxton sa Kids Wood Play Cafe: A play space & a cafe in one place.


Habang busy sila sa mga laruan at activities, nakakapag-coffee at snacks naman kaming parents. It's a win-win!

After Kids Wood Play Cafe, nag dinner naman kami sa TGI Friday's.



Gustong-gusto ni Agatha kumain ng mga appetizers like chips and fries. Nagkasundo sila ni Daxton sa food trip.

Kinabukasan umuwi na kami sa Tagaytay, and four days later nakauwi na din si dadi Cy sa bahay.


Congratulations, dadi Cy, for finishing your second Philippine Loop!

Kumpleto na ulit kami. :)

Comments

Popular Posts