We booked an overnight stay at Kwentong Dagat in Sitio Liwliwa, San Felipe, Zambales para makapag unwind naman with the in-laws.
We left Tagaytay around 7 am and arrived at Kwentong Dagat by 1 pm. Ang lapit lang nito for a quick getaway.
The resort has a rustic and relaxed atmosphere. It looks neat, not overcrowded. Ang laid-back ng vibe, ung tipong pag naguguluhan ka na sa buhay pwede kang pumunta dito to slow down and think. Napapalibutan din sya ng mga puno ng agoho that looked like pine trees.
Check-in time is strictly at 2 pm pa kaya dumiretso muna kami sa restaurant nila which is located at the opposite end of the resort.
They serve purely vegan dishes, as in 100% plant-based meals. Sana pala I had tried their rice meals kaya lang hindi pa ako gutom ng oras na yan. Si Cy nag tortang talong.
Nag KD Salad ako which consisted of apples, cucumbers, tomatoes, crunchy lettuce (I think they used iceberg), cranberries and agave dressing. Akala ko enough lang sya para sakin pero ang dami ng serving kaya nakatikim din ang iba.

Agatha ate puffs. Buti nalang nakabili kami nito bago umalis kasi it kept her busy, and full. Natutunan din nya pumulot using her fingertips, a good practice to develop her oral and motor skills.
Cy and I stayed in the Abaca Room na good for two pax. It's priced at 2,988 pesos pag weekdays and can accommodate two more persons for additional 1,188 pesos each. It has its own bathroom, a balcony na may duyan and maliit na table & chairs.

Pagpasok namin sa kwarto pinaliguan agad namin si Agatha dahil napaka-init ng panahon. Pati ako naligo ulit kasi ang lagkit ng pakiramdam ko.
Habang natutulog ang mag ama nag ayos muna ako ng mga gamit namin. Nung wala pa nga kaming anak andami ko ng bitbit pag naalis kami, pano pa kaya ngayon. Haha!

Around 5 pm pumunta na kami malapit sa dagat. Medyo mahabang lakaran to kaya I made sure na dala ko na lahat ng mga kelangan namin. Buti nalang meron akong oversized tote bag, perfect for moms like me.

Naglatag ako ng beach mat para may maupuan si Agatha malapit sa shoreline habang naliligo sa dagat ang daddy nya. She was just observing people and her surroundings. Her curiosity amazes me and watching her start to understand the world makes me so happy. Sa susunod maglalaro na kami sa buhangin.

Mataas ang alon dito pero safe naman magbabad sa tubig kasi firm ung sand and gradual lang paglalim nya, pero syempre not ideal for babies like Agatha. We just let her experience the ocean water on her feet.
|
|

Pagkatapos maligo sa dagat at mag shower, naghanap na kami ng makakainan ng dinner. One of the resort's staff recommended Mommy Phoebe's Place kaya dun kami nagpunta. Okay naman, kaya lang ang daming tao kaya niyaya ko sila sa Mercato sa Liwa. Unfortunately halos lahat ng stalls sarado. Siguro dahil weekday kaya wala masyadong ganap doon.
Naglakad nalang ulit kami pabalik sa resort tapos doon kami kumain sa Camp Rofelio na katabi lang ng tinutuluyan namin. Ayos din mga pagkain nila.
The next morning maaga kaming bumangon ni Cy para makapag almusal. Ito ung masarap pag nasa ganitong bakasyon eh, kakain nalang. lol. Ang ganda ng gising ng anak namin kaya panay ngiti sa camera.
Light breakfast was included sa accommodation namin. They served lugaw, sliced bread, pandesal, two kinds of spread: coco jam and peanut butter, and brewed coffee.

Naglatag ako sa table ng towel para makaupo si Agatha habang kumakain ng dala naming puffs. Naaaliw naman syang kumain nun kaya nakapag almusal kami ni Cy ng matiwasay.
After breakfast nagpalit ako ng pang swimming dahil hindi ko pwedeng palagpasin ang alon sa Liwliwa. Si Ina muna ang nagbantay kay Agatha.
Pagbalik sa kwarto pinaliguan namin ni Cy si Agatha tapos ako naman ang sunod na nag shower. Sina Cy nag swimming ulit at ATV ride habang kaming mag-ina tumambay nalang muna sa balcony.
| At dito nagtatapos ang aking 'Kwentong Dagat' sa Zambales. :) |
Comments
Post a Comment