DADI'S 37TH BIRTHDAY IN BAGUIO CITY: PART TWO
We left the hotel around 10 AM para pumunta sa mga pasyalan in Baguio. The city strictly implements number coding kaya hindi namin nagamit si Nogs, buti nalang madaming taxi na masasakyan.
Our first stop was the Baguio Botanical Garden. We paid 100 pesos each for the entrance fee. Etong si Cy nagyayang mag-picture muna bago pumasok sa gate, tapos sakto naman na may nakaabang na lalake na nag offer na kukuhanan nya kami ng mga litrato. Selfie lang naman dapat un eh, kaso ayun nga pumayag naman kami. Nung kinuha na ni kuya ung fone ni Cy isa-isa ng lumapit samin ung mga matatandang nakasuot ng native garments. Pagkatapos, inabutan namin sila ng 100 pesos pero sabi nung isang lola pito daw sila. Kinabahan ako. Akala ko tig-100 pesos silang pito, buti nalang 50 lang hininging dagdag.

Pagpasok namin ng gate sakto namang nag-poop si Agatha. Kapag may kasama ka talagang baby or bata di talaga maiiwasan ung mga ganitong eksena. Ang importante kumpleto mga dala naming gamit or else ma-hassle kami ng malala.

Most areas sa Baguio Botanical Garden are stroller-accessible. Madaming makikita and ma-explore dito kaya for me, I think sulit na sulit na ung 100 pesos na babayaran for each person.
Our baby likes to stare at anything that moves: mga dahon, isda, tubig, etc kaya we let her watch muna bago kami umalis or lumipat ng ibang lugar.

I breastfeed but I still drink coffee. Sa bahay 3 in 1, sa labas brewed or espresso-based. Hindi naman nagiging fussy si Agatha and she still sleeps well. Kelangan ko talaga ng kape for energy and more happiness eh. Haha.

Cy wanted to switch to a hipseat carrier. Ung Infantino Flip kasi parang hindi na comfortable kay Agatha unlike before nung maliit-liit pa sya. Sagabal na kasi ung tyan ng daddy nya. Haha. Mas okay ung pagkakasandal ni baby sa hipseat.

Plano sana naming bumalik sa hotel pagkabili ng hipseat carrier pero nakatulog si Agatha sa stroller kaya instead na sa hotel kami mag lunch, kumain nalang kami sa loob ng mall. Etong branch ng Peri-Peri in Baguio self-service sa sauce. Nagustuhan namin ung Chili Peppa and Harissa Exotica.

After lunch bumalik na ulit kami sa tinutuluyan namin, tapos si Agatha naman ang kumain ng lunch nya. We just stayed in and watched videos on YouTube.

Bandang 4 pm nagyaya si Cy lumabas para maghanap ng makakainan ng merienda pero tinamad ako. Nag order nalang kami ng pasta and sandwich sa hotel's resto.

Lumabas kami kinagabihan para pumunta sa night market which opens at 9 pm. Nadala na ulit namin si Nogs kasi hanggang 7 pm lang ang number coding sa Baguio. Ung nabili naman namin na hipseat carrier kanina sa mall ginamit na namin.

May nakita kaming stall selling brand new baby cardigans kaya binilhan namin si Agatha. Sakto papalapit na ang tag ulan. Ang daming mabibili sa night market, pero mostly ukay items. Meron ding mga cellphone accesories, wooden wares, shoes, slippers, tote bags, floor mats, etc.

Syempre hindi kumpleto ang gabi namin kung walang food trip. Una naming tinikman ung grilled balut na napapanood lang namin online. Wala kasing ganito sa Tagaytay as far as I know ha. Anyways, it tasted like regular balut except may chili sauce sa ibabaw. Ung nabilhan namin masarap ung sauce nila.

Dahil talaga sa tanghulu kaya pinilit ko si Cy na hintayin magbukas ang night market. Yung mga napapanood ko sa YouTube na kumakain ng tanghulu mukha namang nage-enjoy sila, pero ung nabili ko ang dikit sa ngipin. Makapal kasi ung sugar coating nya. Nag struggle talaga kami ni Cy. San ba makakabili ng legit na ganito.

Last na binili namin mga inihaw kaya lang biglang umambon. Nakalimutan kong dalhin ung payong namin kaya nagmadali kaming bumalik sa sasakyan bago pa tuluyang umulan. Dun na kami kumain sa parking lot.

Maaga ulit kami bumangon the following day para mag breakfast. Kapag tulog pa si Agatha we just set up a video call para makita namin kung gising na sya habang kumakain kami. Malapit lang naman ung dining area sa kwarto namin kaya mabilis namin syang mababalikan.
Before 10 pm nag check out na kami sa hotel. It's Daddy Cy's birthday!!!

Before 10 pm nag check out na kami sa hotel. It's Daddy Cy's birthday!!!
Pumunta kami sa Choco-latรฉ de Batirol in Camp John Hay to celebrate my husband's 37th birthday. Grabe we've been together na pala since he was 25 years old. 5 years kaming mag bf/gf tapos almost 7 years married bago nagka-baby.
Hindi kumpleto ang brunch namin kung walang mainit na tsokolate de batirol. We ordered the Traditional Blend for 195 pesos each.
Hindi kumpleto ang brunch namin kung walang mainit na tsokolate de batirol. We ordered the Traditional Blend for 195 pesos each.
Pagkatapos kumain namili naman kami ng mga pasalubong pababa ng Kennon Road. Bumili kami ng mga gulay, fresh strawberries, and strawberry jams.

So happy that we got to share this trip with our daughter. :)
➡️ WATCH OUR CLIPS HERE
Comments
Post a Comment