A NEW CHAPTER BEGINS: OUR DAUGHTER'S BIRTH STORY ❤️
On October 16, 2023 at 07:31 in the morning we welcomed our baby girl. We named her Agatha Hope.
Story time!
I was 37 weeks and 5 days pregnant nung nagising ako around 4 AM para mag CR sa bahay. Wala naman akong nararamdaman na kahit anong pananakit or paghilab ng tyan pero pagtingin ko sa toilet bowl may dugo na. Our doctor told us before na if may spotting ako kelangan na naming dumiretso sa ER kaya ginising ko agad si Cy para pumunta ng ospital, and since it would take us at least 30 minutes to reach Healthway Qualimed in Nuvali hindi na kami naligo. Buti nalang naka-ready na ung mga gamit namin at ni baby sa sasakyan kaya wala na kaming inasikaso kundi pagbitbit ng mga hospital documents including the admission order from our OB doctor.
On our way sa ER napapaisip ako kung isa na naman ba tong labor scare or pag uwi namin sa bahay may baby na kaming dala.
Around 6 AM nasa ER na kami. After ko mag fill out ng form at ibigay ung dala naming admission order tinawagan na nila OB ko to inform her of my situation.
Wala pa din akong nararamdaman na paghilab, just bleeding. They checked my cervix pero 1 cm dilated palang ako. My OB called me and she told me na since I have bright red bleeding na at sa Tagaytay pa kami nauwi kelangan ko ng ma-induce for labor. Full-term narin naman ako at okay din ang current weight ni baby.
First time ko malagyan ng swero! After nito dinala na ako sa delivery room for monitoring tapos si Cy nag stay muna sa lobby ng ospital then by noon kumuha na sya ng private room para makapagpahinga.
Both breakfast and lunch inabot lang ni Cy sa mga nurses on duty para makakain ako. I was lying on bed the whole day expecting na magkaron na ako ng contraction pero waley talaga.
They also hooked me to a machine to monitor my baby's heart rate during contractions na hindi ko talaga maramdaman. Unfortunately, bumababa ung heartbeat nya kaya my OB decided to discontinue the oxytocin (for contraction of uterus) immediately. Grabe ung galawan ng mga nurses nun, tanggal agad ung gamot na nakasabit then may in-inject directly sa ugat ko para umokay kami ni baby.
Kinagabihan tinawagan ako ni doc via Viber na kelangan ko ng ma-CS or Cesarean Section the next morning. I was closely monitored the whole night tapos di ako pwedeng tumayo para mag-CR kaya either naka bedpan ako or diaper. Pinaka-ayaw ko pa naman naka bedrest.
Hindi ako nakatulog buong gabi kaka-monitor ng hearbeat ni baby tapos kinakabahan pa ako because of surgery. I was worried na baka hindi umepekto ung anaesthesia o kaya lumindol or magkagulo habang hinihiwa ako. lol. Naiisip ko din ung pagturok sakin for spinal block baka kasi sobrang sakit nun o kaya naman baka hindi pa ready si baby na lumabas.
Around 6 AM the next day they started prepping me for C-section. Kinalma ko nalang talaga sarili ko kasi wala naman akong choice. I just hoped na maging okay kami ni baby.
The spinal block procedure wasn't as painful as I imagined. Mas masakit pa ung unang turok na local anaesthesia bago ung pang-spinal. After ilang minuto I couldn't feel anything sa katawan ko, totally numb. At dahil sa puyat din siguro nakatulog ako habang hinihiwa.
Nagising nalang ako nung sinabi ni doc na "Baby's out!" na tapos narinig ko iyak nya. Feeling ko nananaginip ako nung nakita ko na mismo si baby. Imagine, I conceived and gave birth to another human being. Waaaaa.
Pagkatapos mapunasan si baby, tinimbang naman na sya. She was weighing 2.9 kilos. Medyo makapal na din buhok nya paglabas.
After the operation they transferred me to the recovery room tapos tinawag din nila si Cy para makapasok. Shortly after pinasok na din nila si baby para makapagpa-breastfeed na ako tapos kinuha din sya ulit habang kami namang mag-asawa nag stay pa ng ilang oras sa recovery room bago ako nai-transfer sa private room na kinuha ni Cy the day before.
We stayed sa hospital for two more days. Natutunan namin paano hawakan, buhatin, palitan ng diaper at alagaan si Agatha. Never akong nagbuhat ng newborn kahit nung student nurse pa ako sa Fabella. Akala ko kasi sobrang delikado buhatin ng sanggol, ung tipong kahit anong ingat ko mababalian ko sila ng buto. Hindi naman pala sila ganung ka-fragile basta careful sa paghawak ng ulo at leeg.
Hindi pala madaling magpadede pag bago ka palang. Pagdadaanan mo pala ung kirot at hapdi ng ilang weeks, yung tipong mamimilipit ung mga daliri sa paa sa sakit. Eventually naging maayos din, wala na akong nararamdaman na sakit.
Despite the challenges, we are very grateful to be blessed with a baby girl. Akala ko dati we were not meant to become parents pero eto na kami ngayon. After 7 years of marriage we are finally entering a more exciting chapter in our lives.
We love you so much our dear daughter! :)
Comments
Post a Comment