ILOCOS SUR + SAGADA 2022
Sinipag akong sumama sa lakad ng motorcycle club ni Cy papuntang Norte for the 7th Ilocos Sur Invitational Ride. This event was exclusive for big bike riders and I was told na umabot daw ng 3,000 ang participants. Ang dami!
![]() |
| Ilocos Sur Welcome Arch |
Nakarating kami sa welcome arch ng Ilocos Sur before noon. Grabe ung pinagdaanan kong antok papunta dito lalo na nung dumaan kami ng TPLEX. Hindi kasi ako nakatulog kinagabihan until umalis kami ng 2 AM sa bahay.
Free lunch was held between the new and old Quirino Bridge. Masasarap ung mga pagkain like bagnet, longganisa, poqui-poqui and pakbet. After nun pumunta na kami sa Vigan City.
May event pa din kinagabihan pero hindi na ako naki-join. Kumain lang ako ng empanada sa malapit na food court then naghanap ng ref magnet sa Calle Crisologo tapos bumalik na sa hotel. May mga times talaga na overwhelming ang crowd for me.
Clink this link to watch the video nung first day namin.
The next day gising na agad ako around 5 in the morning. At exactly 6 AM naghihintay na kami ng almusal sa hotel's cafe.
![]() |
| Continental Breakfast |
Masarap ung breakfast nila kaya lang wala silang brewed coffee ng ganitong kaaga, 3 in 1 lang tapos ang tamis pa nung brand.
![]() |
| bago umalis ng Vigan Traversa Hotel |
Halos 9 AM na kami nakaalis ng Vigan papuntang Sagada. Nagsuot na ako ng long sleeves kasi aakyat kaming kabundukan.
Tuloy-tuloy ung ride namin hanggang sa Skyline of Quirino in Ilocos Sur kung san din kami kumain ng early lunch.
![]() |
| group picture with a view at Skyline |
![]() |
| couple yarn |
Ngayon ko lang nadaanan ung route namin. Ang saya saya! Daming zigzag at steep roads. Minsan nakakatakot pero tiwala nalang kay Cy. Hehe
Around 4 PM na kami nakarating sa Sagada. Lamiiiiig.
![]() |
| muntik na akong di makita |
Nag stopover kami sa Isangwow Cafe by the Clouds bago dumiretso sa tutuluyan namin. Ang ganda ng view dito! Halos lahat kami nag merienda muna at nagpahinga.
![]() |
| kape, lemon pie and etag sandwich |
First time ko matikman ung lemon pie in Sagada. Ayos din naman. Ung etag sandwich ang sarap at ayos ung pagka-toast ng tinapay. Kahit hindi ka mahilig sa sandwich magugustuhan mo to. Etag is preserved pork in Cordillera.
![]() |
| Ganduyan Inn in Sagada |
We paid 500 pesos each for the accommodation. Nagpalit lang kami ng damit tapos lumabas na agad para maglakad-lakad. Last time kasi na nagpunta kami dito ni Cy natulog lang kami sa sobrang pagod kahit may araw pa.
![]() |
| a small bazaar in Sagada |
![]() |
| The Church of St. Mary the Virgin (sayang sarado) |
![]() |
| dinner at Sagada Homestay Inn and Restaurant |
I also tried the yogurt and fruits in Sagada, sweet & yuuuuummy! Kung pwede lang talaga mag uwi ng isang tub eh.
Pagkatapos namin mag dinner bumalik na agad kami sa inn kasi napakalamig na! Nakatulog ulit ako ng mahimbing.
Bumangon ako ng 4:00 AM and we left the inn around 5:30.
![]() |
| sea of clouds sa likod |
sa Isangwow Cafe sana ulit kami para mag breakfast pero ang dami palang tao dito pag umaga na gustong ma-witness you sea of clouds habang nag aalmusal. The group decided na sa baba nalang maghanap ng makakainan. Gusto ko pa naman sanang mag ramen at yogurt.
After namin kumain somewhere dumiretso na kaming New Highest Point in Tinoc, Ifugao.
![]() |
| at the New Highest Elevation of the Philippine Highway System |
Napakaganda talaga ng mga tanawin sa Cordillera. Ang dami naming nadaanang vegetable farms papunta sa current highest point. Dito rin pala banda ang Mt Pulag.
After kumuha ng mga pictures umalis na din kami agad pababa tapos nagstopover sa isang eatery para kumain ng lunch. After kumain at magpahinga, diretso na kami sa Malico Viewpoint in San Nicolas, Pangasinan.
![]() |
| sunset at Malico Viewpoint |
We witnessed a beautiful sunset dito sa Malico Viewpoint. Nakabili din ako ng ref magnet, chili garlic oil and hopia sa malapit na souvenir shop.
Hati-hati na ang grupo pababa ng Manila.
![]() |
| groufie ng mga pagod at inaantok |
Huling stopover namin was at CityMall SCTEX. Ramdam na ramdam ko na ung gutom at pagod tapos haba pa ng pila sa mga kainan. Since past 8 na, ung ibang fastfood ubos na ang pagkain. Buti nalang andyan si Jollibee na maasahan.
Anyways, after namin kumain kanya-kanya ng uwi sa bahay.
Nakakapagod ung trip pero ang dami namang naiuwing memories. :)
















Comments
Post a Comment