BAGYONG PAENG 2022
Grabe si Bagyong Paeng. We live in a stilt house pero pinasok pa rin kami ng tubig sa loob ng bahay.
The heavy rains started around 1 or 2 AM last October 29. Nagising ako nyan sa lakas din ng hangin. At dahil nga confident ako na walang tutulong tubig galing sa kisame kasi kakaayos lang nya a few months ago, hindi na ako bumangon para tignan kung may nakakapasok na tubig sa bahay.
Bandang 5 AM mas lumakas pa ang hangin at ulan kaya lumabas na ako ng kwarto to check the situtation sa labas, then nagulat ako na ung sahig papuntang main door ng bahay puro tubig na. Lumulusot na pala ung tubig sa pader at ilalim ng pinto.
I kept mopping the floor pero panay parin ang pasok ng tubig. Hindi rin efficient ung tornado mop, kelangan namin ung may foam. (May gout attack pa si Cy kaya he couldn't help)
Hindi na ako bumalik para matulog, nagluto nalang ako ng sopas then paulit-ulit na nag-mop ng floor.
At 10 AM mas malakas na ang hangin pero I needed to buy the sponge mop or else mahihirapan kami ng bongga. Ung tubig napasok na din kasi behind our sofa at hindi sya tamang basa lang, it was flooding.
Anyways, dahil nga kelangan namin ng sponge mop lumabas na ako para bumili sa malapit na Ace Hardware.
![]() |
| on my way to Ace Hardware |
Kahit maulan at mahangin madami paring sasakyan sa daan kaya I felt safe. Still hoping na hindi ako malaglagan ng puno or mabigat na sanga at ma stranded sa daan. Ang hassle nun.
![]() |
| sponge mop, denta stix, metal scraper |
I bought the 3M Squeeze Mop, denta stix for our dogs, and metal scraper na hindi ko naman gagamitin that day. lol
![]() |
| pabalik sa bahay |
Pagbalik ko may nakaharang ng naputol na sanga sa daan. Buti nalang may space pa sa gilid kaya hindi ko na kelangang bumaba para tanggalin un. Mukha pa naman syang mabigat.
![]() |
| pinasok ng tubig ung likod ng sofa |
Ang laking tulong ng squeeze mop, mas napabilis nya ung trabaho namin. Nabawasan ung effort ng 70%.
![]() |
| lunch |
Nagluto ako ng sopas nung umaga para sa almusal then sa lunch namin pinainit ko lang ulit ung sopas at nag prito ng itlog. Ung kanin naman reheated from the freezer.
Cy managed to help me sa pag mop ng mga tubig. Pag nahirapan na syang tumayo gumagamit na syang upuan. Haha.
It was non-stop. Hindi mo pwedeng iwan ang sahig for more than 10 minutes dahil mapupuno ulit ng tubig. Eh itong ulan ni Bagyong Paeng tuloy tuloy ang buhos tapos malakas pa ang hangin. Ung direksyon ng ulan pahampas sa dingding ng bahay namin.
![]() |
| merienda |
Sopas pa din kinain namin sa merienda hanggang maubos. Hehe. For dinner naman ni-reheat ko lang ung niluto kong sinigang na salmon belly sa miso the night before.










Comments
Post a Comment