SATURDAY AT THE CASITA + CELEBRATING MOTHER-IN-LAW'S BIRTHDAY

Friday night umalis kami ng bahay kasama sina Roti and Biscuit para matulog sa casita. Birthday kasi ng mother-in-law ko kinabukasan at gusto nya maghanda sa casita.

biscuit

Roti

Roti and Biscuit are very protective samin at sa mga kagamitan! Ayaw nila na may nakikialam kahit ung kukuha lang ng tubig at ulam. Kakaloka. Next time kapag may handaan sa casita iiwan nalang namin sila sa bahay. Tsaka nalang namin sila dalhin dito pag long stays na walang ganap.



Ung handaan late in the afternoon pa gaganapin kaya puro kain at cellphone lang inatupag ko after mag-ayos ng kwarto.

After lunch binilhan ako ni Cy ng iced latte! :)


Tapos eto nga, ilang araw na akong nagccrave sa kung anu-anong cakes in a tub or in a pan, basta mga cakes na inii-scoop ang peg. Nakita ko tong cheesecake in a can ng Melani's Bakeshop for 550 pesos. Instead na puntahan ko pina-Lalamove ko nalang na first time ko gawin. Akala ko ma-heart attack ako sa delivery fee pero di naman pala. Usually kasi sa foodpanda lang ako naghahanap eh.


Ang sarap ng blueberry cheesecake ng Melani's!!! It's rich and creamy tapos you can taste the slight tanginess of the cream cheese, hindi nakakaumay.



Around 4 PM dumating na ung mga handa na nasa bilao.

May biko, palabok, maja, puto, spaghetti at pancit.


Syempre di maqawala ang pa-birthday song. Nag videoke mga bisita hanggang gabi at ung mga lalake naman nag-inuman. Typical Pinoy birthday.


Nalasing si Cy kaya ako na ang nag drive pauwi. Nakakatamad umalis kaya lang naligpit ko na pati mga bed linens para labhan sa bahay.

Comments

Popular Posts