BEACH OUTING WITH MY FAMILY & BATANGUEÑO RELATIVES

Finally, after almost 4 years nakasama din kami ni Cy sa outing ng mga relatives namin in Batangas. Sinundo namin sina Martin sa bahay nila in Laguna para isang sasakyan lang kami dahil ang mahal ng gasolina ngayon. Sina mama at papa naman nasa Batangas na since Saturday.

Sa Monte Vista in Sariaya, Quezon kami nag day trip. Ang lapit lang pala nito sa Rosario!


We arrived at 9 AM. This beach resort is huge! Magkakatabi lang ung mga cottages sa harap ng dagat pero the whole area napakalawak! Madami silang attractions.


Nag swimming agad ung mga adults pagdating nila tapos ung mga bata and teens naman almost whole day nagbabad sa tubig at naglaro ng volleyball. 

Tamtam, mama, auntie Mildred and Ading

papa and me

Martrin, Prix and Yen

si Cy na nagpiprito ng dala naming rellenong bangus
Dinala namin ung mga camping chairs, table, at lutuan namin. Allowed naman daw magluto basta sa labas ng cottage at maingat sa apoy. They also let us borrow extra wooden bench since kakaunti lang ang mga guests.

I wish may kitchen with water supply and sink bawat cottages para hindi na kelangang bitbitin ang mga hugasin sa malayo.


May kanya-kanyang ambag na pagkain each family. Papa cooked beef biryani. May nagdala ng adobo, spaghetti, salted egg, sandwich, pusit, fried fish fillet, fruits, etc. Nagluto din sila ng turon for merienda. 


Bumili kami ng ripe bananas for Prix kasi favorite nya un. Actually lahat ng ialok mo sa kanyang pagkain isusubo nya maliban sa boiled eggs. lol. Dinala nila ung high chair nya para mas convenient sya pakainin.

tambay tambay

binitbit ni papa si Prix sa dagat

ayaw pa mag swimming ni Prix kasi nga naman mainit

Prix and Zoey

palit ng pwesto para hindi mainitan

with Roselle, Aira, & bebe Zoey

10 years old na si Tamtam

sa harap ng cottage

Nakakaantok ang panahon kaya naisipan kong ikutin ung ibang parte ng resort. Isasama ko sana si Cy kaya lang nakatulog sya after magbabad sa tubig kaya ako nalang mag-isa.


Napakainit kahit may dala akong payong! Grabe ung araw ang sakit sa binti. Kung gusto mong libutin ang lugar either super early morning or very late afternoon o kaya naman kapag makulimlim ang panahon.

kids pool

adults pool

playground

bridge

mini river

In fairness mag eenjoy ka sa mga amenities ng resort na to basta hindi tirik ang araw. Malinis ang paligid, well-maintained ang damuhan at madaming spots for pictorial.

Anyways, around 3:30 PM nag swimming na din sina Prix.

naglaro sila sa buhangin

Prix enjoying the sand


By 4 PM ready na lahat umuwi. 

ang apo at kanyang lola

rare photo of me na hawak ang pamangkin ko hehehe

Uwian na!

group picture
Dumaan muna kami kina lola para tignan ung pinapagawang bahay nina papa then nag dinner na din. Kasabay na namin sina mama at doggie Tamtam pauwi. Hinatid muna namin sina Martin sa Laguna tapos sina mama naman sa Makati.

Glad we all arrived home safe. :) 

Comments

Popular Posts