FIESTA SA CASITA (NAKAPUNTA FAMILY & RELATIVES KO)
Fiesta na naman! Last year sa bahay ng brother-in-law ko sya ginanap pero this year sa casita na.
I invited Martin's family and his in-laws, and mama and papa with some of our relatives in Batangas.
The night before the fiesta gumawa ako ng macaroni salad. Late na kami nakauwi sa bahay.
Maaga kaming bumangon the next day and left the house at 8 AM. I bought green and white balloons para ikalat sa garden. Effect lang. lol.
Sinabay din pala sa fiesta ang binyag ng inaanak ko na si Mia kaya nagpunta rin ako saglit sa simbahan. Madami syang ninong at ninang pero kaunti lang ang naka-attend sa ceremony.
Pagbalik sa Casita tinulungan ko si Nanay Imus na magbalot ng lumpiang shanghai. Si Nanay Imus at Ama ang mga cook tuwing fiesta tapos kami naman ang mga taga prepare ng ingredients.
Nakakapagod din maghanda pero masaya naman kasi during prep nagkakaron ng mga bonding moments.
I convinced Cy na lagyan ng coconut leaves ung wall ng kitchen island para fiesta talaga ang peg. Ang plain kasi ng white, dapat festive tignan kasi may occassion naman today. Nilagyan din namin ng malalaking dahon ung ilalim ng mga non-heated chafing dish to add more color.
Gumawa din ako ng food labels para hindi na magtanong ung mga bisita kung anong ulam tsaka para cute tignan. Hehehe. Ung wooden holders galing sa flower shop.
Dumating sina mama around lunch time kasama si Lola Esay at ung ibang mga kamag-anak namin in Batangas.
Si Cy naman umalis muna kasi ninong din sya sa isang binyagan today.
Sina Martin naman na-late ng kaunti due to heavy traffic. Sayang hindi nakasama in-laws nya.
![]() |
| Auntie Jasmin, Auntie Mayeth, Papa |
![]() |
| Daniela, Joy, Nicole |
![]() |
| Yen, Prix, Martin, Aira, BJ |
![]() |
| Baby Prix and Baby Zoey na same month and year pinanganak |
![]() |
| Mama and Papa playing sungka with Tamtam |
![]() |
| lola Esay |
Around 4:30 PM na sila nakauwi.
It was nice spending time with my family and relatives. Sana every year makapunta sila. :)












Comments
Post a Comment