NATULOG KAMI SA CASITA
Cy convinced me na mag overnight sa casita para makasali sya sa basketball practice nila ng 5:30 AM kinabukasan. Pwede na kasi ulit maglaro ng basketball kaya bumuo ng team sina Cy kasama kuya nya at mga staff sa office para makasali sila sa pa-liga ng barangay. The boys joined basketball while volleyball naman sa mga girls.
The night prior to his practice nagpasukat sila ng uniform sa casita. Hindi ako mahilig sa sports pero nakakatuwa na ang daming participants!
We woke up at 5 AM. Naisipan ko na din mag bike para lumakas ulit ang stamina ko kasi matagal na din akong hindi nakakapag bisikleta ng malayo-layo.
Habang nagpa-practice ng basketball sina Cy nag bike ako ng more or less 3 kilometers. Ang daming ahon at lusong medyo nakakapagod! lol.
Niyaya ko si Cy kumain ng almusal sa labas since pareho naman kaming nag workout. May frozen hash browns sa freezer kaya lang mukhang kanin ang kelangan namin pag ganitong galing sa pagba-bike at practice ng basketball. Hehehe.
Buti nalang may malapit na lomi/tapsihan sa casita kaya doon kami kumain. Cy ordered longganisa tapos ako naman nag hotsilog. Actually, tuwing magba-bike kami before kumakain talaga kami sa labas bago umuwi.
Pagdating sa casita nag kape at pahinga kami saglit bago maligo.
Dinala na pala namin ung foldable plastic table na binili ko online then nilagyan namin ng black monobloc chairs and of course centerpiece para cute tignan. Hehe.
Super happy ko na may mini dining table na kami sa loob ng kwarto para pag kelangan ko ng "me" time at overwhelming ang crowd sa dining area may pwesto ako alone. Hihi.
Ung frameless arc mirror naman sa tabi nya nagkamali ng gawa kaya ang liit! Wala pa kaming mapaglagyan kaya sa kwarto muna.
Cy likes to sit sa may balcony kaya doon sya nag kape.
After coffee naligo na din sya then namili ng mga kelangan sa office nya. Naiwan na ulit ako sa casita kasama sina Roti and Biscuit.
Naglinis ako ng kitchen at nagluto ng chicken curry for lunch.
For early merienda, nag order ako ng Macao's cream cheese milk tea via foodpanda. Si Cy naman nag coffee ulit habang may ginagawa sa laptop nya.
Bumili din pala kami ng tinapay sa naglalako.
Iniba ko ng slight ang ayos ng kwarto namin. Nilagay ko ung maliit na table sa gitna ng buri mat tapos tinabi ko ung bean bag sa kama. Nilagyan ko din ng halaman yung gilid para may something sa corner.
Yung nightstand with cabinet nalang hinihintay namin para sa kabilang side ng kama. Magagamit ko un for storage ng ibang mga gamit/necessities and foooood!
Hindi pa sana kami uuwi kaya lang may errand pa kami tomorrow. Kumain muna kami sa casita bago umalis para pagdating sa bahay maglalaba nalang ako ng mga ginamit naming linens and nood sa Netflix.
Yun lang! :)





Comments
Post a Comment