STAFF SUMMER OUTING 2022
Finally! Last year kasi hindi kami nakapag summer outing dahil mahigpit pa due to pandemic. Ngayon na maluwag na ang mga probinsya at kaunti nalang ang nagkakasakit, nagkaron na ng chance para makapunta sa dagat. Inabot nga lang kami ng maulan na panahon pero keri lang.
We arrived sa resort around 10 AM.

Sa may Po Chi Beach Resort in Brgy Calayo, Batangas kami nag overnight.
I like this resort kahit hindi pa fully renovated ung loob ng malaking kubo at ibang mga facilities nila kasi malapit sya sa dagat at masarap gawing tambayan ung spacious balcony nila. May kitchen din sa loob at isang cr.
Sinama namin sina Roti at Biscuit.
Nag rent din kami ng dalawang smaller air conditioned kubo for Kuya Jeff's family and sa amin ni Cy with my parents-in-law.

We brought our portable folding chairs na binili namin online for only 360 pesos each. Gusto ko kasing may masarap na upuan at sandalan lalo na kapag nasa outing tapos tambay lang ang peg. Sakto ung upuan sa akin.
Nag ready na agad ng mga pagkain pagdating sa resort since yung iba sa amin hindi pa nag almusal tapos ung mga boys naman nag ihaw ng liempo at isda habang nag iinuman.

Wala akong plano mag swimming pero ang saya kasi ng mga water activities dito tulad ng kayak tapos ung ibang mga kasama namin never pa na try yun kaya nag rent kami ng isa for one hour. 350 pesos ang siningil samin.
Kami ni Mau ang unang sumakay. Twice kaming umikot-ikot tapos sumunod pamangkin ng sister-in-law ko na si Alliyah then si Ate Che tapos si Ina at Nanay Caring naman then nagkayak na din ung ibang boys kahit nakainom na. Ang tagal din pala ng isang oras. Sulit!
Masaya ang mga water activities dito. Sayang lang walang stand-up paddle boards. :(

After lunch nag island hopping naman kami.
Dinala kami dun sa private property na may malinaw na tubig kahit hindi white sand. Tumambay lang kami sa tubig kasi bawal daw pumunta sa shore unless magbabayad kami ng entrance fee.
Doon nag pictorial ung mga kasama namin. May kumuha ng mga pictures sa bangka, meron din na nag bikini shoot. Hehe.

Wala sa plano pero nung pabalik na kami sa resort nag stopover kami saglit sa isang area na malalim. Ang ganda ng kulay ng tubig: clear dark Emerald green!!!
Anyways, I'm not sure anong meron dun pero nangati ako sa tubig. Parang kinakagat ang balat ko.

Nakabalik kami sa resort around 4 PM. Nag shower agad ako tapos kumain. Si Cy naman natulog after maligo kasi lasing na sya. lol.
Nag ulam ako ng liempo at inihaw na tilapia. Nakakagutom talaga kapag galing sa swimming.

Maaga kaming humiga ni Cy. Katabi namin sina Roti at Biscuit.
Si Biscuit tulog agad, napagod siguro sya sa biyahe. Ilang beses din kasi syang nagsuka sa sasakyan.
Si Roti naman hindi mapakali nung una pero nakatulog din eventually. Medyo mainit kasi sa taas ng bunk bed kapag hindi todo ung aircon.
Nagising ako ng 6 AM then nag kape at almusal. Nag serve sila ng inihaw na talong, hotdog, pancit, and boiled eggs.
Usually sina Nanay Caring, Nanay Imus, Avi, at Ina ang mga maagang bumabangon para mag prepare ng pagkain.
After mag almusal dinala na namin ung mga folding chairs sa harap ng dagat.
Sina Roti at Biscuit hinayaan naming maglaro sa buhangin para mag enjoy sila ng todo. Madali lang naman matanggal ung sand sa balahibo nila. Shake shake shake lang ganern.
Nag swimming ulit ang mga bata pati ibang adults bago kami umalis ng resort.
Yun lang! :)



Comments
Post a Comment