CAR CAMPING AT EDNA'S BEACH & CAMPSITE
We're back to camping!
Naghanap kami ng mga campsites in Laguna, Batangas and Rizal. Eventually, Cy found one in Calatagan na may good reviews at pwede ang car camping: Edna's Beach and Campsite.
Excited to try our new camping gears kaya we booked an overnight stay agad agad! Weekday kami pumunta para kaunti lang ang tao.

We arrived sa resort an hour earlier sa check-in time pero pinayagan na agad kaming mag park at mag pitch ng tent.
This resort is well-organized from the gate to your camping spot. Safe din mag stay dito dahil may mga nakabantay 24/7. Though kelangan maglakad for fresh water access, malakas naman ung supply ng tubig at madaming kitchen sinks para sa mga hugasin.
May tindahan din sila at canteen.

Ang gusto ko din sa campsite na to is nasa ilalim ka ng mga puno kaya hindi ka maiinitan sa araw. Everyday din na may naglilinis sa buong resort kaya maayos ang paligid.
Here's their Peak Season Rate:
Per head (overnight): P350
Own tent (medium size): P300
Car without awning: P350
We paid a total of P1,350 for one night.

Sinama namin sina Roti and Biscuit but later that day hinatid din sila ni Cy sa bahay kasi may mga aso din na pagala-gala sa resort, eh ayaw makipag kaibigan ng mga aso namin. G na G lagi. Hay.

Instead of usual sitsirya, nagdala lang ako ng nacho chips and cheese dip. Bumili din kami ng Indian mangoes sa Nasugbu (na hindi namin nakain).
Mas komportable na kami ngayon kasi may mga upuan at tables na kaming dala instead of just banig. Meron na din akong foldable dish drainer, timba (hugasan ng kamay), at palanggana (lagayan ng mga hugasin). O diba!!! Puro reusable utensils kasi bitbit namin kaya kelangan ko sila. Take note: bawal magligpit sa mismong campsite, dapat doon sa designated areas lang para maiwasan ang madaming langaw at langgam.

Before ihatid ni Cy ung mga aso sa bahay nag-saing muna sya. Sobrang bilis makaluto nung binili nyang lutuan. Parang kumurap lang ako kumukulo na ung sinaing. Very good!
Pag alis ni Cy nag ready na ako ng lulutuin for our dinner.

Ito ang masarap pag camping: uminom ng kape. Lalo na siguro kung brewed kapeng barako o kaya matapang na drip coffee ang nadala namin.
Nakakatuwa din makita ung mga kapitbahay mong campers na busy sa kanya-kanyang pagluluto. Napansin ko din na people are nicer sa ganitong setup.

Almost 3 hours din akong naiwan mag isa sa campsite. Kagulo na sa pagluluto, taking notes on how to improve our next camping adventure.
Inuna ko munang lutuin ung pritong talong then gumawa ako ng salted egg salad, then fried liempo and lastly, adobong manok.
Nagkabit din ako ng tali sa mga puno para sabitan ng ilaw namin. May pailaw naman ang resort pero you still need extra light.

Tanaw dito ang magandang sunset. Yung matubig kanina naging mala-desert na. Sarap sa feeling na dito kami mag stay ngayong gabi at babangon na may view parin ng dagat kinabukasan.

Nakabalik si Cy sa resort around 7 PM. Sakto gutom na kami pareho. Ung sinaing na dinamihan ni Cy para may pang sangag daw bukas naubos naman! lol.
Nag shower muna ako bago humiga para fresh.
12 MN na kami nakatulog kasi nanood pa kami ng series on Netflix. Napanood nyo na ba ung bago ngayon na may title na "Happiness"?

Ang sarap ng tulog ko! Ang lakas ng hangin kagabi kala ko naulan sa labas. Pumapatak lang pala ung mga dahon ng puno.
5:45 AM ako bumangon tapos nagpainit agad ako ng tubig at nagtimpla ng kape. Gising na din agad si Cy.
Nag request si Cy prior to our trip na Spam daw ang breakfast namin. In fairness, ang sarap nya talagang ulam sa umaga tapos medyo toasted pa ung pagkaluto. Nagprito din ako ng sunny-side-up eggs at syempre may pa Nestle cranberry juice din na puno ng yelo.

Around 8:30 AM nag swimming na si Cy. Gusto ko maki join pero nakakatamad magbabad sa tubig kapag sobrang babaw.
Perfect to for kids dahil safe sila.
Perfect to for kids dahil safe sila.
After ni Cy mag shower nagligpit na kami ng mga gamit. Before 12 noon nakalabas na kami ng resort.
Ang saya mag camp. Just please don't destroy anything, don't hurt the animals, respect the people, follow the rules, and don't litter. Wag din masyadong malakas ung sounds na nakaka abala na sa ibang campers na gusto ng katahimikan.
We highly recommend Edna's Beach and Campsite. It's clean, safe, and organized! :)

Comments
Post a Comment