FLOATING COTTAGE IN CALATAGAN, BATANGAS

Nakasakay ulit kami ng balsa in Calatagan, Batangas! This time mga relatives ni mother-in-law ang kasama namin. 


Hinila ng motorized boat ung sinasakyan naming balsa papunta dun sa Little Boracay. Kaya sya tinawag na ganun kasi pino ang buhangin nya. 

Bago pala kami sumakay ng balsa nag almusal na kami sa carinderia doon sa may palengke ng Calatagan. Bitbit lang namin mga baon na snacks and drinks tsaka mga isdang iihawin ng staff sa balsa. Nag order naman si Ina ng boodle fight tray for lunch kaya hindi na namin kelangang magluto.


In fairness, talagang malinaw ang tubig dito at malinis kahit madaming tao! 

Wala nga lang cr sa balsa kaya napilitan akong mag-swimming buong araw dahil alam nyo na. Hahahaha! Pero pag jebs kelangan mo magpahatid sa pantalan kasi andun ang CR.


Si Cy naman kelangang pumunta sa office nya after lunch kasi may usapan na sila ng mga nakasama nya sa Philippine Loop before na mag overnight sila sa venue. Nag motor lang sya papunta para makauwi din agad. 

Ako naman nagpa iwan sa balsa with my in-laws dahil why not. Haha! Magsi swimming ako all day.


Sabi ni Ina she paid P2,700 for the boodle lunch. May grilled chicken, fried tilapia, liempo, lumpiang shanghai, hipon, inihaw na pusit, boiled veggies, mangoes, java rice and plain rice.

More or less 13 pax kami pero ang daming natira!

Buong araw kaming nagswimming sa dagat!

Ung last stop namin sa may bandang sand bar. Doon masarap dalhin ang mga babies at bata kasi mag eenjoy sila sa pagtampisaw sa mababaw na parte ng dagat.

Medyo ayoko lang na magkakatabi masyado ang mga balsa kasi nga diba walang cr... so yun. Pwedeng pwede naman mag request na lumipat ng pwesto if gusto mo na secluded kayo dahil napakalawak talaga ng area.


Around 4 pm kami bumalik sa port. Hindi na kami nag shower, nagpalit lang ng dry na damit. First time ko gawin to. Haha! Ang lagkit sa balat gawa siguro ng asin, pero after an hour naman hindi ko na naramdaman ung lagkit. 

Pagdating ko sa bahay naligo ako ng bongga.

Saya saya!

----------

Sinalab Floating Cottage (Summer 2022)

Medium Balsa:
10 pax P5,500 (excess 550/pax)

Small Balsa:
10 pax P4,500 (excess 450/pax)

Comments