NIYAYA KO SI CY PUMUNTA NG RIZAL

Parang di na ako nakadayo sa Rizal simula ng tumira ako sa Tagaytay in 2017.

Actually hindi ko pa rin naman talaga na explore ung mga popular tourist attractions doon. Ang mga napuntahan ko lang before: Taytay Tiangge & Club Manila East at ung ibang places na di ko na talaga tanda. lol.

Umalis kami ng bahay around 8 AM tapos nag breakfast kami saglit sa Papa Prito Tagaytay.


Bumili ako ng iced cafe latte sa Coffee Bean & Tea Leaf along SLEX. Usually ice blended/frappe ang bet ko dito pero lately nga nahilig ako sa iced coffees.

Eng serep ng kapeeeee!!!!

Anyways, unang stop namin in Rizal was Taytay Tiangge. Syempre di ko pinalagpas ang pagkakataon. Haha! Nakabili ako ng mga pambahay na shorts for me & dalawang tie-dye sando for Cy tapos umalis na din kami agad. 

Doon kami nag lunch sa Coffee Rush in Binangonan, Rizal.


24 minutes away lang sya from the tiangge. Di mo aakalain na ganun syang kalapit since halos patag ung madadaanan mo papunta dito. Parang less than 10 minutes nalang ung layo patag pa rin ang daan eh sa picture ang taas nya. Un naman pala, ung mismong street paakyat grabe ang steep!!! Talagang akyat bundok ka bigla.

Nasa loob sya ng Eastridge Executive Village kaya kelangan mag iwan ng ID at dapat may receipt ka palabas kasi pag wala magbabayad ka ng 300 pesos.


Grabe ung view dito. Kita ko ang buong siyudad at Laguna Lake. Medyo mainit lang talaga kapag tanghaling tapat (tapos summer pa). Kahit na nakaupo ka sa ilalim ng mga shades damang dama pa din ung init. I suggest early morning or gabi na kayo dumayo dito.


We ordered sisig pampanga & carbornara.

Okay lang naman.

Yung rice ang dami, hindi nagkasya ung sisig. lol. Sabi ko kay Cy ulamin nya nalang ung cucumber. Hahaha!

Ung pasta masarap naman. Not too creamy, not too cheesy, not too tasty. Madami ung serving nya, nakakabusog!


Kung view lang din naman habol mo panalo talaga dito. 

I'm not sure lang kung pwede magpa reserve ng seats para naman makapili ng magandang spot.


We stayed here for a bit tapos umalis na din kami pauwi ng Tagaytay.

Pagbalik namin ng Rizal sa mga farm or hiking spots naman kami pupunta. :) 

Comments

Popular Posts