MY SOLO TRIP TO NASUGBU PARA MAG LOMI

March na! Malapit na matapos ang first quarter ng taon. 

Hindi ako nag set ng alarm kagabi pag uwi ko galing sa galaan with in-laws kaya halos 10:30 AM na ako nagising! Napagod yarn? 

I wanted to eat a hearty soup. Iniisip ko kung kakain ba ako ng jjampong sa isang Korean restaurant or lomi nalang kaya.

Pagkatapos kong maligo umalis agad ako ng bahay para pumunta sa Bayani's Lomi House & Restaurant in Nasugbu, Batangas.


It took me more or less 20 minutes papunta sa Bayani's. Medyo mahigpit sa checkpoint going to Nasugbu kasi tatanungin ka talaga nila kung saan ka pupunta at anong pakay mo. Ang sabi ko "Kakain lang po ako ng lomi." Hehehe.

Sa gilid lang ako ng kalsada nag park ng sasakyan.


Bukod sa lomi meron din silang appetizers, all-day breakfast, bagnet series, main course, veggies, desserts, and drinks. Nung unang punta namin dito last year parang lomi lang ata ang meron sila.

Anyways, I ordered the overload lomi and Okinawa milk tea.


The toppings consisted of two pieces shanghai, boiled egg, chicharon, kikiam, etc. Ayos din ang lasa ng lomi especially pag merong toyomansi na sawsawan at chopped sibuyas. 

As usual hindi ko na naman naubos ung lomi kahit pang isang tao lang ung serving nya. 


Ang sarap mag drive tapos nakikinig ka lang ng music sa loob ng kotse. 

I'm the type of person who also enjoys solitude kaya okay lang sakin na umaalis ng walang kasama from time to time. I can even eat alone in public places. 

Dumaan ako sa bilihan ng cat food in Alfonso then namalengke ng kaunti sa Mahogany Market. 


Syempre nag stopover ulit ako sa Good Morning Cafe para bumili ng iced latte. Never talaga akong na-disappoint sa coffee nila kaya lagi kong binabalikan. 

I spent the rest of the afternoon writing sa blog. Bukas na ako maglinis ng bahay.

Nasa Boracay na sila Cy ngayon. Malapit na syang dumating! :) 

Comments

Popular Posts