HOME ALONE FOR ALMOST TWO WEEKS + DRIVER'S LICENSE RENEWAL AT LTO TAGAYTAY

Finally, naituloy na ni Cy ung Philippine Loop nya. Last March umikot sila sa North tapos ngayon naman kukumpletuhin nila ung VisMin route. Tinanong nya ako kung malungkot ba ako kasi maiiwan ako sa bahay ng almost two weeks pero ang sagot ko "hindi". Haha!

Masaya ako because he's fulfilling one of his dreams. Ang gusto ko lang maging safe sila kahit saan magpunta.


Monday morning umalis si Cy. Sina Roti at Biscuit ang kasama ko sa bahay at katabi ko din sila matulog sa gabi. Hehehe. They are my furry companions na makukulit.

I'm so happy na may mga aso kami sa bahay kahit minsan pasaway sila lalo na si Biscuit. Medyo puppy pa kasi sya kaya nasa stage sya na naninira ng mga gamit. Okay lang, lahat naman ng bagay magagawan ng paraan. 

Anyways, dahil nga may ganap si Cy at mag-isa lang ako sa bahay, nag-iwan sya ng allowance. Dati sanay ako na nililibre nya ng pagkain kaya usually kebs lang sa presyo pero ngayon nanghihinayang ako gumastos para sa food delivery or kain sa labas. lol.

I mean kung pagkain kasi mamaya magugutom na naman ako, eh pwede naman akong magluto ng masarap na ulam sa bahay. lol

Ayoko lang talaga mabawasan ung pang shopping ko sa Friday. Haha!


Actually, nag crave ako sa matinding iced coffee nung Monday. I can make my own cold Spanish latte at home pero dahil busy nga ako sa dami ng gagawin parang I felt na deserve ko mag order ng drinks via foodpanda. lol

Nagbayad ako ng 260 pesos + 20 pesos tip sa rider. Namahalan ako bigla! Last na muna yon. 

Anyhow, medyo busy ako nung Monday kaya hindi na ako nakaalis ng bahay to renew my driver's license. 

Natuloy ako the next day.


At kung kelan naman nasa labas ako tsaka naman umulan ng malakas.

Nakakatamaaaaad!

Buti nalang may nag assist sakin kaya nakapag exam ako online at nakuha ko ung driver's license ko within the day.

Ito mga nagastos ko:

Medical:                            P450.00
Blood Type Test:              P100.00
DL Renewal:                      P650.00
Tip kay kuya + load:         P300.00

Inabot din ako ng P1,500.

Kakain sana ako sa labas bago umuwi kasi gutom na gutom na ako, hindi pa ako nag lunch. 1 pm ako dumating sa LTO tapos almost 4 PM na ako natapos. Yun nga lang naghinayang na naman ako gumastos para sa pagkain. Naalala ko ung mga pinamili kong gulay like talong, ampalaya, Baguio beans. Pwede naman akong magluto ng tortang talong kesa kakain ako sa labas tapos ung talong mabubulok na naman sa ref.

Pagdating ko sa bahay nagsaing agad ako tapos nagluto ng ulam. O diba ang tipid!

After my early dinner hinayaan ko na muna ung mga hugasin, bukas na ako magligpit. 

Tomorrow kelangan ko ipa-carwash si Nogs at mamili ng kaunti sa supermarket. Si Biscuit naman kelangan ko mapaturukan ng anti rabies this week.


11:25 PM na. Gusto ng matulog ni Roti kaya pinuntahan na nya ako.

Good night! :)



Comments

Popular Posts