A DAY WITH THE IN-LAWS: BUFFET LUNCH AT VIKINGS MOA + FERRIS WHEEL RIDE AT SKY RANCH TAGAYTAY
Sinama ako ni mother-in-law sa lakad nila today papuntang Manila. Ngayon kasi ang schedule ng passport renewal ng mga in-laws ko tapos sinabay na ang gala. lol. Kasama din namin sina Ms Anne at family ni Ate Gigi.

First time ko maki-bonding sa kanila na wala si Cy kasi nag Philippine Loop sya.
We left Tagaytay around 6 AM tapos nakarating kami sa DFA bandang 8. Natapos silang lahat by 10 AM.
Hanap na ng makakainan!

The group decided to go to MOA and ate lunch buffet at Vikings. Their current weekday rate is P900+ per person.
Naghintay kami ng one hour kasi 11 AM pa sila magbukas. Akala ko nung una kami lang ang customers na naghihintay yun pala madami ng naka-reserve. Halos lahat ng tables occupied during lunch!

Pagka-assign samin ng table pumunta agad ako sa restroom para mag retouch. Syempre nag selfie na din ako dahil nasa Mindanao pa ang taga-kuha ko ng picture.
By the way, last Thursday pumunta ako ng tiangge tapos bumili ako ng mga mom jeans or high-waisted jeans kaya keri ko na magsuot ng mga medyo croptop na damit. Hehehe.

Nag ikot-ikot muna ako para tignan ung mga pagkain. Kelangan ko masulit ang bayad sa buffet kahit libre to ni Ina. Hehehe.
Forget kanin and tinapay, doon agad ako sa mga savory dishes.

Sa first plate I got pork siomai, orange chicken, miso soup, shrimp tempura, at ung maliliit na portion ng meat from the Indian & Indonesian cuisine section.
I also tried the seafood chowder and baked oysters then after that kumuha naman ako ng nachos with cheese dip and one piece chicken wing.
Lahat masarap, pero na trauma ako sa saucy tahong nila kasi kakaiba ung alat!!! Hindi ko talaga kinaya ung lasa nya pati texture nung tahong.

Anyways, ang pinaka nagustuhan kong dessert is ung meringue cookies topped with whipped cream and fruits. Naka ilan din ako nito.

Ate Gigi's youngest son, Zed, will be celebrating his birthday soon kaya meron syang dedication cake. He and his bff CJ had so much fun during the buffet na sumayaw pa sila sa birthday song. Hahaha!
After lunch bumalik na kami sa Tagaytay. Dinaanan muna namin ung pinsan ni CJ na si JD sa Dasmarinas tapos nag stopover kami sa Sky Ranch dahil sa mga bata. I thought kaunti lang ang tao kasi Monday pero ang dami pala!!!

Since ayaw ako samahan ni Cy sumakay ng Sky Eye (Ferris wheel) nung pumunta kami dito last year, niyaya ko sila.
Kasama ko sina Zed at Ina.
Nung una malakas ang loob ko pero kinabahan talaga ako habang nataas kami! Medyo maingay na kasi ung gondola tapos halata na ung mga rust at butas. Nakakatakot din pag mahangin. Waaaaaa!
I tried to enjoy the view kahit ang dami kong iniisip like what if mag malfuntion ung makina tapos huminto kami sa taas or biglang bumagsak ung gondola. Kakatakot talaga!
Di na ako uulit!!! Hahaha

After Sky Ranch nag dinner muna kami sa McDo bago umuwi. Sa dami ng sweets na kinain ko sa Vikings, perfect dinner ung spicy fried chicken at fries.
I also tried the iced coffee ng McDo which is literal na kape na may yelo. Okay naman sya but I prefer sweetened iced latte kasi may milk.
8 PM na kami nakauwi.
Kapagod pero masaya! :)

Comments
Post a Comment