BINYAG NI DAXTON

Natuloy din ang binyag ng pamangkin ko! Glad may nakita silang church na pwedeng solo lang in Muntinlupa. Father Nick facilitated the baptismal.



Mga immediate family members lang ang present during the ceremony and the reception kasi nga pandemic ngayon at 6 months old palang si Prix.

Ngayon lang ulit ako nagbuhat ng bata. lol. Pakabigat!!! 😆



Pagdating namin sa bahay nila sinalubong kami ng napaka cute na backdrop!!!

Madami din handa like Yang Chow fried rice, spicy pork ribs, chicken cordon bleu, pasta, and fried chicken. Yum!

Bumili sina mama ng napakadaming bibingka kaya kaming mga bisita nakapag uwi pa ng tig isang box! lol.



Syempre bilang ninang ni Prix nagpagawa din ako ng cake. May favorite brigadiero cake kasi ako dito sa Tagaytay na gusto kong ma try nila kaya lang medyo manipis na ung layers ng custard and chocolate ganache nung bigger cake na order ko. Anyways, masarap pa din naman. :)



We spent the whole afternoon eating at syempre kwentuhan. :)

So habang nag-uusap kami sa living area na-discover namin ni Cy na pwede pala namin gamitin ung PS4 sa bahay para makanood ng YouTube at NETFLIX!!!! Buti nalang na-mention ni Martin. Akalain mo un.



Nakipagkulitan din sa amin si Prix habang nakatambay kami sa living area. Lagi syang naka smile at tuwang tuwa na napapalibutan ng mga tao. I hope na lumaki kang always healthy and strong.

We love you, Prix!



Ang cute ng regalo nina Martin and Yen sa mga ninong at ninang: assorted goodies. Gustong-gusto ko pa namang nakakatanggap ng mga ganito. Hihi. Thank you sooooo much! 

May video pala na ginawa kapatid ko. Watch below:



Comments

Popular Posts