SUNDAY RIDE TO BONGABON, NUEVA ECIJA (GRABE ANG PAGOD AT ANTOK KO!)
Sumama kami ni Cy sa isang group ride papuntang Nueva Ecija.
Umalis kami ng Tagaytay around 10 PM. Sa tapat ng SM Bacoor nag meet ang first batch then we all left by 12 midnight.
First time ko umalis ng ganitong oras na angkas sa motor. Hindi pa naman to katulad sa kotse na pagsakay mo pwede ka ng matulog haggang umaga kaya dapat hindi ka inaantok, kaso hindi man lang ako nakapag nap bago umalis. Excited yarn? lol.
Uminom naman ako ng mocha frappe bago umalis ng bahay hoping na it would keep me awake during our trip. Hehe

Dumaan kami sa EDSA, Valenzuela, Bulacan then Nueva Ecija. Nakailang stopover kami to regroup and refresh.
May part na maulan, maalikabok ang daan, madaming lubak, puro truck ang kasabay, at mga kalyeng foggy at walang street lights.

At 5 AM nasa Dingalan, Aurora na kami as part of the side trip. May mga nakapila ng sasakyan sa checkpoint na naghihintay siguro ng oras na makapasok. Buti mabait ung pulis na nagbabantay, pinayagan nya kaming mag cr ni Cy.
May bukas na souvenir shop kahit madilim pa kaya nakabili ako ng ref magnet.

Next stopover was in Gabaldon, Nueva Ecija. Ang scenic ng mga nadaanan namin dito, nasa pagitan kami ng mga bundok.
Tanaw na tanaw sa picture ung makapal na fog sa kabundukan. Buti nalang wala masyadong sasakyan na nadaan sa highway kaya pwedeng mag pose sa gitna.
Pagkatapos sa Gabaldon dumiretso na kami sa Bongabon. Sobrang antok ko na talaga! Minsan nakakatulog na ako tapos magugulat nalang si Cy kasi tumatama na ung helmet ko sa kanya. Hehehe.

Nakarating kami sa Villa Liza Resort at around 7 AM. Glad may room na napunta samin though nagbaon naman kami ng tent just in case walang available na tulugan since day tour lang kami.
Maghahanap sana kami ng makakainan ni Cy sa labas pero inalok kami ng almusal ng ibang riders kaya most of us nakikain nalang. lol.

Nagbaon kami ng pang swimming pero di naman kami nagbabad sa pool dahil bukod sa napakalamig ng tubig, gusto nalang namin magpahinga. Nagpalit ako ng damit tapos humiga na ako.
Hindi naman ako makatulog.

Nag decide ang group na mag lunch malapit sa Labi River. Inabutan ulit kami ng ulan sa daan. Waaaa!
After namin kumain ni Cy tinignan lang namin ung river sa ilalim ng Labi Bridge tapos nauna na kaming bumalik sa resort.
Pinilit ulit namin matulog pero hindi talaga kaya. Kaka-frustrate!!!

Pauwi na kami ng 4 PM. Ung iba nagpa-iwan nalang sa resort. Lalong lumakas ang ulan kaya nagsuot na kami agad ng raincoats.
Almost 12 midnight na kami nakabalik sa Tagaytay. Naligo muna ako bago matulog tapos si Cy naman kumain pa ng instant noodles at boiled eggs.
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment