PUMUNTA ULIT KAMI SA QUEZON CITY (NAAYOS NA ANG MACBOOK PRO!)
Diba dinala namin ung MacBook ni Cy sa PC Formula in Quezon City para ipaayos tapos we were told na it would take them 5 weeks para magawa. Well, one week palang kaming naghihintay pero nag text na agad sila na ayos na. Ang bilis!
Bago kami pumunta sa QC dumaan kami kina Martin kasi gumawa ng atsara si Tito Greg, father-in-law ng kapatid ko. Ang dami nilang binigay na atsara! Gustong-gusto ko pa naman ung gawa nila kasi para syang salad tapos ang crunchy ng papaya. Un ang version ng atsara that I really like.
Dumaan din kami kina papa para iabot ung atsara nila. Ung Magic Sing naman na binilin nya sakin na dalhin ko na sa bahay nakalimutan ko ibigay kahit dala namin sa sasakyan. lol. Dadaan nalang ulit kami sa bahay pagkagaling sa QC.
Tanghali na kami nakarating sa PC Formula.

Ang saya saya ni Cy kasi gawa na si MacMac (MacBook) kahit gumastos sya ng 5k para sa pagpapaayos. Waaaaa! Isa talaga sa mga unexpected expenses sa bahay eh ung mga gamit na bigla nalang nasisira.
Ako din sobrang saya! lol Na stress kaya ako nung nasira si MacMac kasi parang ang complicated ng mga gagawin. Nung pinuntahan namin ung Power Mac Center sa Alabang, kelangan pa daw ireset ung laptop bago nila tignan ang sira, eh andun ung mga files na hindi namin ma-retrieve dahil na-deds nga bigla ung laptop. Kami pa hahanap ng shop kung san pede mag copy ng files tapos babalik ulit sa kanila. Gets naman namin ung policy nila pero naghanap parin kami ng ibang option.
Buti nalang may mga reputable Mac repair shops tulad ng PC Formula na pwede mong pagkatiwalaan ng mga files na nasa laptop.

After PC Formula pumunta naman kami sa MotoMarket para tumingin ng box para kay Ice. Kelangan daw kasi namin ng mas malaking lalagyan kapag may mga ride kami kung san-san. Sayang lang kasi ung gusto nyang box wala ng stock kaya sa Sta Rosa nalang daw sya titingin next time.
Bago umuwi dumaan ulit kami kina papa para ibigay ung Magic Sing. Finally. Haha!

Nag early dinner kami sa 9292 in Silang. Kapag inaabot ako ng matinding gutom, samgyup talaga hinahanap ko lalo na pag may ramyun kaya lang wala naman silang ganun sa 9292. Buti nalang merong steamed eggs and soup. Gusto ko din dito ung flavor ng iced tea nila, cranberry.

Ilang beses na kami kumain dito pero ngayon ko lang natikman ung scallion salad nila or Pa Muchim. Paborito ko na sya! Hindi sya spicy kundi sweet. Basta ang sarap nya kaya naka tatlong refill kami. Gusto ko matuto kung paano gumawa ng Pa Muchim para gagawa ako nito sa bahay. Hindi kasi to katulad sa kimchi na madami kang mabibilhan. Either gagawa ako nito or bibili ako sa 9292.
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment