PUMUNTA KAMI SA QC + KUMAIN NG INDIAN FOOD IN KAPITOLYO
Happy Friday!
Maaga kaming umalis ng bahay kasi pupunta kami sa PC Formula in Quezon City para ipaayos ung MacBook Pro ni Cy. Highly recommended ng mga Apple users ang shop nila kaya kahit medyo malayo doon na kami magpagawa.

Hindi na kami nag breakfast sa bahay kaya nag drive thru nalang kami sa McDonald's. As usual nag order na naman ako ng mocha frappe kahit pasaway ung takip laging natatanggal at natatapon ung whipped cream sa loob ng sasakyan.
Almost noon na kami nakarating sa PC Formula. Walang parking space sa tapat ng building nila kaya doon ako naghintay sa may Dunkin. Bumili nalang ako ng milk tea at donuts. In fairness naman sa classic milk tea nila masarap ha. Sulit na din ang 130 pesos kasi may kasama na syang isang donut.
Nag frappe na ako kaninang umaga tapos milk tea naman ngayong tanghali. Adik.

Cy was informed na mukhang sira ung power keme ng MacBook nya, and it will take more or less 5 weeks bago nya makuha ung laptop. Since reputable naman ung shop go na sya sa pagpapaayos.
See you MacBook!
Anyhow, madaming Indian Resraurant sa Manila kaya niyaya ko si Cy kumain bago umakyat ng Tagaytay. Buti naman hindi sya nag-refuse. Masaya naman syang nag drive papunta dun sa Kapitolyo. Haha!

We tried the Indian food at Ricksha Steetside Tandoor. Maliit lang sya pero presko sa loob, maganda ang interior at ung CR malinis! Required ang vaccination cards if gusto mo mag dine-in. Actually most of the establishments na napuntahan namin lately naghahanap na ng vaccination cards kaya we always bring ours kahit saan magpunta.

I've been wanting to try Thali, a platter that is made up of several different dishes na complete meal na kaya nung nakita ko sya sa menu parang dream come true lang. Hahaha! We also ordered chicken biryani and vegetable samosas.
Indian food never disappoints talaga kaya it's my top favorite cuisine.

Bago umuwi dumaan muna kami sa casitas. Meron na syang combi blinds! Mga furnitures nalang ang tatapusin tapos pwede na magpa-house blessing.
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment