ILOCOS NORTE 2021: DAY 8 (UWIAN NA!)

Weekend na ulit! Pauwi na kami today. Maaga kaming bumangon para makapag breakfast na kami ng 7 am. Hindi na kami nag swimming sa dagat.


Pinasyal ko muna si Roti sa parking area para makapag weewee at poops sya tapos naligo na agad kami ni Cy then nag ayos ng mga gamit bago umakyat sa rooftop kung saan kami mag almusal.


Cy ordered longsilog tapos akin naman Spamsilog. Late na dumating ung magluluto ng almusal namin tapos ung kanin malata (akala namin panis na) kaya I asked kung bagong luto ba sya or kagabi pa. Sabi naman ni koya 5 am niluto, ganun lang daw talaga ung texture ng kanin. E di kinain pa din namin kahit may kaunting pangamba. lol.

Bago palang naman ung resort kaya I'm sure they will improve pa.


We spent the morning sa harap ng dagat, at naabutan din namin ung mga mangingisda na madaming huli. 

We left by noon papunta ng Paoay.



Namili kami ng pasalubong sa Paoay, dumaan ng simbahan, kumain ng halo-halo at empanada.

Isa talaga sa masarap gawin pag gumagala is mag food trip. 


Mahabang byahe na naman pauwi. Hindi na kami dumaan sa mga ibang tourist attractions except sa Paoay. 

Nag dinner kami sa isang restaurant in Ilocos Sur tapos sa La Union naman kami bumili ng pasalubong na dried pusit.

Around 3 AM na kami dumating sa bahay namin in Tagaytay. 

Sana laging ganitong kahaba ang bakasyon namin. Hahaha!

Yun lang! :)

Comments

Popular Posts