ILOCOS NORTE 2021: DAY 7 (LUMIPAT NA KAMI NG IBANG RESORT)

Today was our last day at Sabrina. We've decided na mag boodle fight for lunch kaya maaga kaming pumunta ni Cy sa palengke para mamili ng kung anu-ano. Bumili kami ng pork, seafood, salted eggs, at mga gulay. Nakabili din ako ng cute na chopping board. Hihi.


Our boodle fight lunch consisted of adobong manok na niluto ni Kuya Bryan, inihaw na liempo, tilapia, hotdog, at talong, tapos may kamatis, sibuyas, salted eggs, atsara, and buko juice.

We left Sabrina past noon.  


Malapit lang ung nilipatan namin. The Resort's name is Hakuna Matata which means "No Worries".  I think all rooms are quite big kaya ideal sya for more than two people. We shared a room with my brother, Yen, and their 5-month old son, Prix, sa third floor ng hotel. 


Ang ganda ng view sa balcony namin. Kitang kita ung tingkad ng kulay ng dagat at naglalakihang alon. Mainit lang tumambay sa balcony during the day kaya we stayed inside the room.


Madami silang mga duyan, bean bags, at kung anu-anong pwedeng tambayan kaya kahit maliit ung resort hindi ka mauubusan ng spot. Fully booked daw sila during our stay pero hindi pa rin crowded kasi kaunti lang din ang mga rooms nila.



We were so glad ni Cy na medyo well behaved naman si Roti kahit ayaw nyang nilalapitan sya nung mga aso ng owner ng resort. Most of the time tahimik naman sya basta walang lalapit samin ni Cy na staff. Hahaha! 


They serve pastas, pizzas, tacos, nachos, rice meals, drinks like mocktails & cocktails.

Bumili kami ng nachos tapos nilibre kami nina tita ng pizza & pasta. Masarap mga pagkain nila kaya di mo na kelangan maghanap mg ibang restaurant sa labas para lang ma-satisfy ang taste buds mo.


Nag rent kami ng kayak and paddle board.

Namiss ko na kasi mag paddle board. Isa un sa mga activities namin pag nasa Boracay kami kaya lang hindi ko pala keri mag paddle board sa maalon na dagat tapos hindi ko kita ung ilalim. Natakot talaga ako lalo na nung napalayo ako sa shore. Hahaha!

Nakita nga daw ako ni Cy na nagmamadaling bumalik sa mababaw. lol. Halata daw na nag panic ako nung medyo papalayo na. Naka life vest naman ako but still... scary.

Anyways, masaya naman!


Naunang mag dinner family nina Martin kaya si Cy muna nag babysit kay Prix. I love my pamangkin pero ayoko talaga magbuhat ng bata kase feeling ko mababalian sila ng buto. Hehehe.


Nag rice meal si Cy tapos ako naman nag chicken taco lang kasi medyo busog pa ako.


After dinner tumambay pa kami ni Cy sa mga bean bags overlooking the ocean. Si Roti naman tahimik lang sa isang tabi, minsan naghuhukay ng buhangin.

Comments

Popular Posts