ILOCOS NORTE 2021: DAY 5 & DAY 6 (LIFE IN PAGUDPUD)

Ung feeling na Wednesday palang. Haha! Hanggang Saturday pa kami dito sa Pagudpud.


Maaga ulit ako bumangon tapos after coffee nagpalit na kami ng pang swimming then pumunta na kami sa dagat. Si Roti ulit ang taga bantay ng mga gamit namin.

Nakakatawa sya kasi kapag isa lang nakikita nyang nakababad samin sa dagat tumatahol sya tapos tsaka lang sya titigil kapag nakita nyang magkasama na kami ni Cy sa tubig. lol


Hindi maalon ang dagat ngayon. Nagswimming kami saglit ni Cy tapos bumalik na sa Inn. 

Umalis kami saglit para mag withdraw ng cash sa ATM tapos nagpa gasolina narin kami.


Gusto sana ni Cy bumili ng roasted liempo sa Chooks to go pero waley, tapos nakita ko ung spicy neck!!! Bumili kami ng 1 kilo para un ang lunch namin sa inn. Papaluto nalang namin kay Kuya Bryan.


Naging paborito ni Cy ung Nestle Crunch Ice Cream. Gusto ko ung crunchy outer layer nya pero ung mismong ice cream sa loob hindi masyadong creamy. Anyways, masarap pa din sya as an overall ice cream stick.


After lunch nagsulat ako sa blog for our Day 1 and Day 2 here in Pagudpud kasi baka sa haba ng stay namin dito makalimutan ko na ung mga small details about our trip.


May nakita akong malapit na milk tea shop sa inn kaya bumili na naman kami. lol. Mas bet pa din daw nila ung drinks sa U Chill. Gusto sana namin mag frappe kaya lang laging hindi available. Ung ice scramble naman na nakita kong dumaan sa inn nung isang araw hindi na ulit bumalik.  


Bandang hapon naglakad-lakad kami ni Cy sa kahabaan ng shore ng Saud Beach. Nakakapagod maglakad sa buhangin! Si Roti naman takot na takot pag nakikita nya ung mga alon sa dagat, gusto nya talagang lumayo.


Pagbalik namin sa inn namili ako ng talong, kamatis, sibuyas, at calamansi sa malapit na tindahan. Pina-prito ko kay Kuya Bryan ung mga talong for dinner tapos gumawa ako ng sawsawan at salad.

Sarap ng hapunan!


The following day naman napasarap ang tulog ni Cy kaya nauna na akong mag breakfast. I ordered hotsilog para maiba naman sa usual order ko na cornsilog.


Nag merienda ulit kami ng milk tea. lol. I tried the red velvet cream cheese tapos kay Cy ung dark choco cream cheese naman.


Nung malapit na ang sunset pumunta ulit kami sa tambayan namin. Napakatahimik ng dagat tapos medyo makulimlim.


Nakakita kami ng rainbow!!! Umuwi din kami agad kasi umambon na.


After dinner tumambay lang kami sa room hanggang makatulog. 


Comments

Popular Posts