TITA SHEH
Damang dama ko na talaga ang pagiging tita! Una, may anak na kapatid ko. My sister-in-law gave birth to a beautiful baby boy last May. Pangalawa, ung pamangkin ni Cy na si CJ at mga anak ng mga pinsan nya eh sunod-sunod ang mga 7th birthday.

Minsan naa-amaze ako pag naiisip ko na masasaksihan namin ni Cy ung paglaki nila. Sana mabuhay kami ng matagal hanggang sa magsi-asawa at magka-anak na sila.
Paano ba maging mabuting tita?
Wala akong Facebook friends kaya malamang hindi ko malalaman mga whereabouts nila or ganap sa buhay unless may mag-balita or ikwento nila mismo sakin.
Siguro ako nalang ung tipo ng tita na nanlilibre ng milk tea or frappe, or namimigay ng chocolates pag pasko. Haha!
Bilang tita, ang wish ko sa mga batang to ay lumaki na street smart, mabuti ang kalooban, malinis sa kapaligiran, mabait sa mga hayop, at higit sa lahat... maayos ang mental health.
Good night! :)
Comments
Post a Comment