SUNDAY RIDE: TAGPUAN GRILL & SIZZLING HOUSE IN TANAUAN, BATANGAS
Nakuha na ni Cy ung OR/CR ni Ice (Honda ADV) last week, pwede na kami pumunta kung saan-saan.
Nagyaya sya mag ride sa bandang Taal lake kaya naghanap ako online ng pwedeng puntahan dun, tapos nakita ko tong Tagpuan Grill & Sizzling House atbp na located in Tanauan, Batangas.
Pumunta kami the next day.
Around 10 AM kami nakarating sa resto.

We were amazed sa mga dinaanan namin. May mga cottages and coconut trees sa gilid tapos ang daming naliligo at nanghuhuli ng isda.
Parang sa komiks ko lang dati nakikita ung ganitong ambiance. It felt nostalgic.
Naalala ko si Unding. Kilala nyo ba un? Haha!

The resto occupies both sides ng daan. We were hoping na sa gilid kami ng lawa makakaupo kaso it's a Sunday, medyo madaming tao.
Sa cottage nalang kami.

Cy wanted to try their boodle fight, eh pang 3rd day palang mula ng tooth extraction ko. lol Kaya ko naman na.
Ung good for 3-4 pax nila is 699 pesos. May hipon, 3 kinds of fish, pusit, liempo, chicken, salted eggs, kamatis, at pipino.
Libre ang kapeng barako.

After kumain nag ikot-ikot kami sa lugar. May malapit na dock at iba pang resto.
Sana alagaan nila ng husto ung paligid ng lake kasi napaka ganda ng tanawin nila.

Dahil mainit ang panahon nag milk tea muna kami ni Cy sa bandang Talisay bago umakyat ng Tagaytay.
Dumaan kami sa office nya kasi kelangan namin pumili ng kulay ng combi blinds para sa casitas.
Yun lang!
Comments
Post a Comment