SEPTEMBER NA!!!

Malapit na ang pasko! Bumili ako ng mga bagong Christmas lights tapos kinabit namin agad sa labas kasi gusto ko bright ang ber months namin. Hehehe Pati loob ng bahay lalagyan ko din, hinihintay ko lang dumating yung inorder ko sa Shoppee.

Next time ko na pakita ung itsura ng mga Christmas lights kapag kumpleto na sila. 


Anyway, I'm so happy that we will be spending the Christmas and New Year with our doggie Roti.

Ngayon pa lang sinabi ko na kay Cy na dito kami mismo sa bahay mag celebrate ng New Year's Eve dinner. Usually kasi sa bahay nina Ina at Ama kami nakiki-kain, pero ngayon gusto ko ng mag-prepare ng sarili naming handa at kumain together sa mesa.

Last year kasi kanya-kanya kaming pwesto sa sofa habang kumakain, ayoko ng ganun. Gusto ko kapag dinner nasa isang table lahat lalo na kapag may celebration. Hindi ako fan ng bitbit ang plato sa harap ng TV. 

May bago pala kaming tradition: bibili kami ng Starbucks Frappe bago salubungin ang taon. Last year kasi nagtampo ako kay Cy nung gabi ng new year's celebration kaya nag-drive ako saglit papuntang Starbucks. Haha! Around 7 PM ata un. Then naisip ko, gawin na kaya namin syang yearly tradition kasi syempre kelangan namin ng caffeine para di antukin paghihintay ng 12 midnight. Ganern!!! Okay naman daw kay Cy. Yehey!

Bet ko din bumili ng bagong plato na gagamitin namin sa New Year tapos kulay gold na kutsara at tinidor at ung water goblet. Hehehehe.

Yun lang. 

Paparating na si Bagyong Jolina.

Good night! :)

Comments

Popular Posts