STRESS!!!!!


It's 11 PM. Inaantok na ako pero gusto ko mag-kwento.

Second day ng MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) here in Cavite. Nakapasok na kasi sa Pinas ang highly contagious Delta variant ng Covid-19. Madami na namang active cases each day. 😔

Anyways, ang gusto ko talaga i-share ung mga unexpected hassles and expenses dito sa bahay and what I've learned dahil sa mga kaganapang ito.

Madami ng mga gadgets at mga bagay dito sa bahay na nasira, pinalitan or inayos kaya ung mga recent nalang ang ilalagay ko.

* Na-drain ung battery ng sasakyan namin kaya napilitan si Cy na bumili ng bagong car battery for almost 8,000 pesos.
* Nasira ung battery ng phone ko kaya we had to replace it. We paid P1,600 for the new original battery.
* Nag expire ung Microsoft office ni Cy sa laptop kaya nagbayad sya ng P5,000 for a lifetime subscription na hopefully worth it.

Nung isang araw naman nag malfunction ung washing machine namin. Ayaw tumigil ng flow ng tubig kaya napupuno ung tub. Until now hindi parin sya maayos kahit may pumunta na ditong technician. Tapos kanina habang binabalik ni Cy ung mga screws na natanggal sa washing machine, natamaan nya ung water pipe kaya naputol. Wala tuloy kaming supply ng tubig sa bahay until maikabit ulit sya tomorrow. Makiki-laba sana kami sa mga in-laws ko kaya lang same kami ng water source ng washing machine nila kaya waley din. Huhu.

I realized, ang dami pala talagang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay: maliit man or malaking bagay. 

Ma-swerte nga kami kasi hindi naman issue ang pera. Kapag may kelangan ayusin or palitan, sige lang.

Paano kaya ung ibang pamilya na sapat lang ang kinikita tapos may mga anak pa? I'm sure mas madami silang unexpected expenses lalo na may mga bata, isama mo na dyan ung mga kung anu-anong sakit.

Anyways, ang gusto ko lang naman sabihin is dapat ready tayo sa mga bagay-bagay. Ngayon ko lang din talaga naiisip yan dahil nga medyo sunod-sunod.

Bukod sa bahay at mga kagamitan, kelangan din alagaan ang katawan dahil anytime pwedeng magkasakit. Tapos ung ngipin ko pa sa bagang kelangan ko na ipa-consult sa dentist. Waaaaa! 

Malapit din kami kay bulkang Taal na hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nananahimik. Kelangan laging maayos ang bahay para ready if ever mawalan ulit ng kuryente at tubig, at may enough na supplies in case na magkaron na naman ng another eruption.

Kelangan din namin paghandaan ang mga darating pang bagyo.

Ang daming kelangan gawin!

As a housewife, I need to be more productive and organized. Kelangan ko mag excel sa pag manage ng household para ready kami sa kahit anong mangyari. 

Simula bukas maaga na talaga akong babangon. Tatapusin ko na lahat ng nasa to-do list ko.

Good night! :)

 

Comments

Popular Posts