GUMAWA AKO NG MENU PARA SA BAHAY

Ang hirap mag isip ng kakainin for breakfast and dinner, halos paulit-ulit nalang every week. Gumawa tuloy ako ng restaurant style menu para sa bahay. lol. Minsan talaga kelangan din natin maging creative para maiwasan ang burnout from the everyday routine. 


Hindi na ako nagluluto ng mga usual silog meals sa bahay pag umaga (bumibili nalang kami sa kapitbahay minsan) kaya kelangan ko mag-isip ng iba't ibang pagkain sa almusal na hindi ka-pair ng kanin. Yung dinner naman mga usual Pinoy ulam, tapos dun sa miscellaneous part nilagay ko Samgyup & Boodle Fight. Hehe.

Pumunta agad ako sa printing shop after ko matapos ung menu para ma-print and laminate na kasi malapit na din maubos ung mga lulutuin ko, excited na ako sa next meal plan. Yung mga idadagdag ko ilalagay ko nalang sa likod.

Ung staff sa ThinkShop Tagaytay tinanong ako kung saan daw ang Casa Perey. Akala nya ata may bagong restaurant sa Tagaytay. Hahaha!

Pati vaccination cards namin pina-laminate ko na kasi matagal-tagal pa naming magagamit un. 

Yun lang.

Good night! :) 



Comments

Popular Posts