WE ARE FULLY VACCINATED! (SECOND DOSE SINOVAC VACCINE)
Umaga palang malakas na ang ulan dahil sa habagat. Sabi sa news hanggang weekend pa daw to. Ang sarap sana mag-stay sa bahay buong araw pero kelangan namin umalis kasi today ang second dose ng Sinovac vaccine namin. Dapat last week pa sya eh kaya lang na-delay ng isang linggo.




At around 2 PM nasa TICC (Tagaytay International Convention Center) na kami.

Ang haba ng pila kanina! Inabot kami ng almost 2 hours para sa second jab. Maayos at organized naman ung vaccination program kasi madaming nag-aassist. Lahat din may upuan kaya kahit matagal hindi naman nakakapagod mag-hintay.
I asked permission sa nag bakuna sakin if pwede kong kuhanan ng video ung pagturok nya. Okay lang naman daw. Gusto ko din kasing umuwi ng kampante lalo na ngayong nag-umpisa ng kumalat ang Delta variant sa Pinas.
Wala naman akong naramdaman na masama after getting the second dose vaccine.

Finally, fully vaccinated na kami and it will take about 2 weeks to build up our immunity. Kelangan mag celebrate kaya kumain kami sa labas. Hehehe.

Pumunta kami sa Wing & Rib Tagaytay para mag unli wings. Lahat naman ng flavors nila masarap kaya sabi ko kay ate sya na ang bahala mamili basta may Sriracha. Hehehe
Yung mga buto inuwi namin kay Ice.

Before 6 PM nakauwi na kami ng bahay. Ang kapal ng fog! Tuloy-tuloy pa din ang pag-ulan pagdating namin sa bahay. Ang sarap na naman matulog nito.
Good night! :)
Comments
Post a Comment