THE FAMILY MEETS PRIX DAXTON
May pamangkin na akis!









He was born 3 weeks ago pero ngayon lang kami magkikita-kita.

Around 11:30 AM dumating sila Martin at Yen sa meet-up place in Sta Rosa para sabay na kaming pupunta ng Makati.
Finally, na-meet ko na si Prix! Madalas syang tulog tapos iiyak kapag gutom na. Haha!

Dumaan kami sa Max's along SLEX para bumili ng lunch namin sa Makati. We ordered their Best Plate (fried chicken, pancit canton, lumpiang shanghai, tofu sisig, sweet potato fries, rice, and a caramel bar).

Nagluto parin sina papa ng pritong isda at pork nilaga kaya ang daming ulam! May dala din kaming mga saging galing sa in-laws ko.

Gumawa din ng mango shake si mama kasi mura lang nabili nyang mangga 80 pesos per kilo!

Syempre, present na naman ang milk tea! Ung bahay namin sa Makati, napapalibutan ng napaka-daming tindahan at kainan. Halos puro apartments na kasi mga nakatayo dun kaya madaming tao. May malapit na milk tea shop samin kaya nakabili agad si papa.

Nung nagising si Prix, kinuhanan ko ulit sya ng pictures. Ang bilis pa naman lumaki ng mga babies! Baka sa susunod naming pagkikita nakakalakad na sya. lol.

Pinakita sakin ni mama ung mga bagong tanim nila sa taas. Nadagdagan ng basil, luya, at tanglad. Ung mga dragon fruits nag-simula na ulit magkaron ng bunga kaya nakapag-uwi kami ng ilan.

I'm very happy na may apo na sina mama at papa kahit isa palang. Ay wait! Si Roti at Tamtam apo din nila, kaya lang mga aso. Haha! Natatawa nga kami kasi nung pinapalitan si Prix ng diaper, sumisilip ung dalawang aso tapos habang naiyak si Prix, biglang nagtalo ung dalawa. Kagulo! Haha!

Around 5 PM umuwi na kami. Sumama samin si papa kasi kukunin nya ung isang sasakyan kina Martin. Buong biyahe namin pabalik sa Sta Rosa, puro tungkol sa sasakyan ang usapan. Si papa kasi ay mekaniko at si Martin naman ay engineer sa Toyota. Madami na naman akong natutunan.

Thank you Lord for keeping my family safe and healthy. :)
Comments
Post a Comment