LUCBAN, QUEZON 2021: PART TWO
This was our second and last day at Batis Aramin Resort and Hotel!

Dahil maaga ako natulog, nagising ako ng 5:30 AM. Usually talaga maaga akong bumabangon kapag wala ako sa bahay kasi nasasayangan ako sa oras. Para sakin late na ang 6 AM kapag nasa bakasyon ako. Hehehe. Pag nasa bahay naman masyado pang maaga ang 8 AM para bumangon. lol

Lumabas kami ng room ni Roti at around 6. Hinayaan ko sya tumakbo off-leash doon sa may maliit na grass park sa tapat ng building namin. Paikot-ikot lang sya tapos namumulot ng mga putol na sanga at tuyong dahon. Kapag kelangan na nya lumapit sumisigaw lang ako ng "bye Roti" kasi un ang signal na aalis na kami.

We were given two complimentary breakfasts. Before the pandemic daw buffet ang almusal nila pero ngayon pre-packaged na sya tapos wala kang option. That day they served tocino with sunny-side-up eggs. Kukunin mo sya sa resturant tapos pwede ka naman nila pahiramin ng tray.
Bitin kami sa kape kaya nag-order pa kami ng cafe mocha.

Hindi na kami nag swimming ni Cy. Naligo na kami agad at inayos ung mga gamit namin bago mamasyal sa buong resort. 9 AM na kami lumabas para maglakad-lakad, medyo mainit na sa balat. May payong naman sila sa room pero di na kami nagdala.

There's a Lambingan Bridge overlooking the pool area. Mahaba yan, nakalimutan ko lang magpa-picture kay Cy. Dapat dadaan kami dun bago umuwi pero nawala na sa isip namin.

Pwede dito mag-rent ng Kayak for 200 pesos per hour. Ung tubig sa mababaw na lagoon na yan, napaka-linaw! Kitang-kita mo ung mga isda sa ilalim. Nakakatuwang makakita ng ganito sa panahon ngayon.

Meron silang Japanese Garden na may fake cherry blossom flowers pero bumagay naman sa puno. Hehehe. Pwedeng pwede ng effect sa pictorial!

Madami silang iba't ibang buildings scattered around the resort depende sa budget at dami ng tao na will occupy the room tulad nitong Anahaw Hall na may katabing malaking statue ng gorilla.
May nakita din kami na buong villa naman with its own swimming pool. Meron din silang modern buildings na may exclusive pool if gusto mo lumayo sa crowd.

Dapat talaga mas maaga pa kami nagsimulang maglakad kasi mostly puno lang ng niyog ang mga tanim papunta sa mga attractions. Si Roti kung san san natakbo pero di naman sya nalayo ng husto.

Our first stop was Mount Banahaw View na may pa-heart. Ang Mount Banahaw ay isang active volcano na pumutok noong 1909. O dba. Hahaha!

Next, The Galliton. Nandito ung mga hobbit houses na akala ko dati pwede mong tulugan. lol. Actually, may mga gamit sa loob ung iba dyan pero naka-lock na silang lahat. I wonder why. Sana naman walang vandalism na naganap. Hmp.

Syempre dapat may pictures na kasama kami. Hehe. Mukha lang akong nuno sa punso dyan.

May malawak silang taniman called Teresita's Garden. Madami silang tanim na bulaklak at may mga gulay din. Ang alam ko nagbebenta din sila ng mga halaman at gulayin. Ang hindi namin naabutan ung mga sunflowers nila.

There's a small empty house na may malawak na terrace overlooking the entire garden. Doon kami tumambay saglit. Buti nalang nasa ilalim kami ng malaking puno kaya hindi kami nababad sa araw.

One of the reasons why I just blog is because ayoko ng gawin ung habit ko before na after kumuha ng pictures I will post it agad sa Facebook. Imagine the time spent editing pictures, thinking of a catchy caption bago mag-upload. I used to miss out on the beauty of the surroundings.
I want to be more present.

Hindi ko alam if the Rainbow House can be used as accommodation. Merong mga bibe na namamasyal sa may pond na ung isa napagkamalan pa ni Cy na display lang. Haha. Sabi nya wag ko daw masyado lapitan dahil baka habulin ako.

Kung di ako nagkakamali, yung colorful townhouses na ongoing construction is a staff house.

You can also visit the Ifugao House na malapit sa isang bahay kubo. Mukhang allowed naman tumambay dito kasi may mga upuan at isang mesa. May duyan din sa ilalim.

May mga gamit na sa loob ng bahay kubo. May kitchen na naka-tiles, bathroom, at shower area. Yun nga lang hindi pa sya tapos kaya siguro iniiwan lang nila na bukas ang pinto. Pinasok ko talaga eh no.

Habang naglalakad kami pabalik may nakita kaming cute na wooden gazebo. Dito matatanaw mo ang malawak na palayan sa kabilang side. Ang fresh ng ambience, kulang nalang kape at biskwit. Sarap!

Niyaya ni Cy sina in-laws and friends na sa Batis Aramin nalang mag lunch kaya nag early check-out sila sa Nawawalang Paraiso. Pupunta rin naman kasi sila sa Kamay ni Hesus, eh napaka-lapit lang nun sa resort kung nasaan kami.
Around 10 AM dumating na sila. They paid 250 pesos each for adults and 200 each naman sa mga bata. Nag swimming muna sila bago mag lunch sa Pool Bar.

We were 14 in total, plus our dog Roti. Akala ko mag-stay sila hanggang hapon kasi masyado pang mainit para pumunta dun sa mga hobbit houses pero buti nalang nakisama ang panahon. After namin kumain lumilim ang paligid!

Tuwang tuwa ang mga bata! Sa mata nila isa itong fantasyland na nagkatotoo. These kids are lucky dahil madami silang babalikang alaala pagtanda nila.

Sadly, natapos na ang stay namin sa Batis Aramin. We left at around 3 PM then dumiretso na kami sa Kamay ni Hesus. Hindi na allowed pumasok ang sasakyan na may sakay na bata doon kasi daw may mga magulang na sumusuway sa protocol. Ung iba daw kasi sasabihin na iiwan naman sa kotse ung bata pero un pala kasama na din sa labas.

We parked outside tapos ung iba naming kasama ang pumunta sa loob ng Kamay ni Hesus Healing Church. Ako naman nagpa-iwan nalang din sa kotse tapos namili na din ng pagkain saglit. Bumili din ako ng ref magnet para madagdagan na ulit ung collection namin.

It was a short but sweet vacation. We enjoyed our stay at Batis Aramin. :)
Comments
Post a Comment