HUSBAND'S 34TH BIRTHDAY
Parang kelan lang nag-umpisa ang 2021 tapos eto kalahati na ng taon. Cy just celebrated his birthday!


It's been our tradition to blow a candle on a cake at 12 midnight. Kahit inaantok na ako, hinintay ko talaga. Hindi na sya surprise. Haha! Both of us were waiting para makapag wish tapos the next day ipapamigay namin ung cake.
Last year naghanda sya sa bahay pero this time we opted to go the beach in San Juan, Batangas and stay for one night kasama si Roti, our dog.
Buti nalang allowed na ang mga tourists sa San Juan, Batangas. We just needed to secure medical certificates and of course, dapat may advanced booking.

I love the simplicity of Camp Laiya Beach Farm Resort. Mostly bamboo cottages lang ang nandito, walang complicated structures na magulo tignan. Malinis ang paligid, mababait mga tao, at nakaka-relax ang ambiance.
I will definitely go back here tapos mag stay kami for two nights. Hehehe. Kahit wala ngang okasyon ang sarap lang pumunta dito kung gusto mo lang ng katahimikan, basta weekday ka pupunta.

I enjoyed planning and organizing this trip. First time kasi namin ni Cy mag-rent ng cottage tapos kami lang dalawa magluluto. Masaya pala mag plano ng ganitong trip, ung pinag-iisipan ang kakainin, sisiguraduhing may enough na lalagyan ng mga pagkain, nililista ang mga bibilhin, pinaghahandaan ng maigi para hindi aligaga pagdating sa resort.
Nag order kami ng sushi for our merienda sa Sushi House in Tagaytay. Ang sarap ng California Maki nila, nakakabitin! Bumili din kami ng fruits like grapes and ripe mangoes on our way sa resort.

After merienda nag swimming kami ni Cy. Si Roti din naligo sa dagat kaso hindi nya bet! Takot sya sa tubig. Gusto lang nya maghukay sa buhangin at tumakbo ng tumakbo. Medyo malabo din tubig pag hapon kaya hindi rin kami nagtagal.

Nag boodle fight kami for dinner! Nag ihaw si Cy ng liempo at tilapia tapos ako naman nagluto ng buttered hipon at tahong. Gumawa din ako ng salted egg salad.
Hesitant pa si Cy magdala ng dahon ng saging. Sabi nya mag-plato nalang daw kami pero I insisted. Hindi talaga ako pumayag na hindi matuloy itong boodle fight! Ang sarap kaya kumain sa dahon ng saging tapos naka kamay.
At ayun na nga. Halos maubos ung sinaing! lol. Nag enjoy kami ng bongga sa boodle fight. Buti nalang hindi inatake ng gout si Cy kasi napadami kain nya ng pork at seafood.

After ko magligpit tumambay kami malapit sa dagat habang umiinom ng kape. Ito ung sana madalas namin gawin: pupunta dito, mag-rent ng cottage for days, magluluto, mag-iihaw, kakain ng naka kamay, ganon. Usually kasi kapag pumupunta kaming mga beach resorts, may complimentary breakfast tapos kain sa labas or sa in-house restaurants.
Gusto ko ng ganitong bakasyon!

Nilagyan ko ulit ng diaper si Roti kahit na hindi naman sya na-ihi sa kama. Talagang may unan sya pag natutulog tapos dapat katabi namin. Para syang baby. Awwww.
Ang sarap ng tulog ko!

We woke up at 6 am. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, I wake up early kapag nasa bakasyon kami kasi nga nanghihinayang ako sa oras. Pag nasa bahay naman, nahihirapan ako bumangon ng maaga. Wahaha!

Kahapon malabo ung tubig, pero nung umaga napaka-linaw na nya! Tinanggal na din nila ung mga ilang basura na napadpad sa shore na galing daw sa Mindoro. :( Minsan nakakalungkot din na umaabot sa dagat ang mga basura natin.

Nagluto muna ako ng almusal bago mag swimming. Nag-sangag ako ng kanin at nagluto ng tortang talong. Yung tirang hipon kagabi, ininit ko din. Ung kape namin 3 in 1 Kopiko Brown.
Napasarap na naman ang kain namin. Yum!!!

Hindi na namin sinama sa dagat si Roti. Sya nalang nagbantay sa mga gamit namin. Hehehe. I made sure na comfortable sya kaya nilatagan ko sya ng sarong at pinalibutan ng throw pillows. Minsan tumatahol sya, minsan naman hindi. Sana ma-train ko na si Roti na wag tumahol sa mga tao at wag umiyak pag wala kami.
Anyhow, umuwi na kami around 12 noon tapos bumili ng mga palayok.
Babalikan talaga kita Camp Laiya!
Comments
Post a Comment