HABANG NAGHIHINTAY...
Hala June 14 na! Mag kwento muna ako habang naghihintay sa announcement ng bagong quarantine classification.


Si Cy abala manood ng show na Lucifer on Netflix at si Roti naman patulog-tulog. Kakatapos ko lang magligpit ng mga hugasin tapos uminom ako ng kaunting kape kaya di pa ako inaantok kahit mag-11 PM na.
Eto na nga mga ganap today and nung weekend.

Alam nyo ba, gamit na gamit ko ang foodpanda app! Hihi. I always check kung may free delivery or naka 50% off sa mga merchants nila tapos tsaka ako na-order, ganern! Tapos sakto itong si Macao may "epic" deal, 50% off sya kaya I tried their Mocha Mpresso. Uhmm, sakto lang naman ung lasa, di ko na uulitin. Ung Triple Chocolate Frappe parin nila ung babalikan ko. Sa susunod nga na blog, i-review at i-rate ko nga mga natikman kong frappe dito sa Tagaytay. Hehehe.

Ang dami kong binili sa Lazada kasi nga may two out-of-town overnight trips kami ni Cy! Ang unang dumating sa mga orders ko is ung dog carrier. Kasama kasi si Roti sa mga lakad namin. Buti nalang nakakahanap kami ng mga pet-friendly resorts.
Malaki, maayos ung ventilation kasi puro mesh, may bulsa na kasya ung mga gamit ni Roti, at convenient sya bitbitin. Sulit na sulit ang 500 pesos! I chose color green para madali syang makita.
Next week pupunta kaming Quezon with the in-laws. Hiwalay kami ng hotel sa family ni Cy kasi hindi allowed ang pets sa tutuluyan nila. Pwede daw if magbayad kami additional 2k. lol. Buti nakahanap ako ng pet-friendly resort sa may Lucban and perfect sya sa mga may dalang aso dahil napaka lawak nya. Makakatakbo sya doon ng walang leash.
Excited na din ako sa Batangas trip namin ni Cy. Instead na maghanda sa bahay, mag overnight nalang kami sa isang beach resort kasama si Roti. Nag-rent kami ng cottage na pwedeng magluto!!! Usually kasi kapag nago-overnight kami ni Cy sa mga resorts, nakain kami sa in-house restaurants nila or sa labas. Ngayon kami naman ang magluluto at mag-iihaw! Kapag nagustuhan ko ung resort, babalik kami dun sa birthday ko tapos mag-stay kami ng 2 nights.

My husband goes to work and I stay home. I usually buy my lunch sa labas lalo na pag walang tirang ulam sa ref galing dinner. Either sa foodpanda or sa carinderia ng kapitbahay namin. Nagluluto lang ako ng lunch kapag walang pasok si Cy. Hehe. Nung Sunday bumili ako ng menudo at lumpiang gulay sa kapitbahay pero ang kinain ko lang ung lumpia. Ung menudo inulam ko nung gabi. Sakto late na umuwi si Cy kasi may event sa venue kaya hindi ko kelangan magluto ng dinner.

At kanina nga naka-50% off naman si McDonald's kaya nag order ako ng 1-pc spicy chicken and large coke float via foodpanda. Gustong-gusto ko talaga ang fried chicken ng McDo lalo na ung maanghang. Gusto ko din ung chicken sandwich nila.

My pamangkin, Prix, celebrated his first month! Suot nya ung terno na regalo namin ni Cy. (◜௰◝) Gaano kaya syang kakulit kapag one year old na sya?! At saan kaya sya mag celebrate ng first birthday nya!? I miss you, Prix!

Gumawa ako ng egg salad kanina. I combined hard-boiled eggs, chopped onions, mustard, and mayonnaise. Dahil nga tinapay lang kami sa umaga, I need to find more recipes for spreads bukod sa mga nabibili sa supermarket. I usually make avocado and hummus spread, sobrang sarap!

Dumating na din ung seeded sourdough loaf ko from Aficionadough Bakeshop. Naging favorite na din to ni Cy kaya dapat laging meron sa bahay. Ang ginagawa ko is I slice it tapos nilalagay ko na agad sa freezer on its second day. Every morning I will get two to three slices and toast it sa air fryer. Ang sarap!

O ayan, same quarantine classificiation pa din ang Cavite: GCQ with heightened restrictions. Our LGU will for sure issue another memorandum tomorrow (Ay 12:09 AM na pala!). Malalaman mamaya kung may mga changes ba.
Di na natapos tong pandemic. Kelan kaya mababakunahan lahat?
Good night! :)
Comments
Post a Comment