FRIDAY ERRANDS + THE BEST BAGNET

It's Friday! Lumabas ulit kami ni Cy.

Sa Char's Garden Café Tagaytay kami nag-lunch. Mas madami na silang mesa unlike before, at ang dami din tao kanina! Buti nalang may available pa silang table sa labas kasi kasama namin si Roti.


Nilagay namin si Roti sa dog carrier that we bought online. Hindi naman sya masyadong nagwala sa loob ng bag, pero tumatahol pa din sya kapag may lumalapit saming staff. Kelangan ko syang sanayin mag stay sa loob ng carrier nya para doon ko sya laging ilalagay kapag kakain kami sa labas.

Cy ordered Bagnetsilog tapos ang akin naman ung Char's Garden Sandwich nila. Medyo busog pa kasi ako kaya hindi ako nag-kanin.


Matagal dumating ung pagkain, pero we were told naman na it could take up to 20 minutes kaya keri lang. Binigyan ako ni Cy ng ulam nya. Grabe ung Bagnet! Ang crispy tapos sinabayan pa ng taba na malinamnam! Gusto ko na tuloy mag kanin kaya lang matagal ulit lulutuin kaya ung sandwich nalang talaga kinain ko. Sinusubuan naman ako ni Cy ng pagkain nya from time to time.

Gusto ko bumalik sa Char's tapos oorder ako ng Sizzling Crispy Bagnet nila! 


Masarap din ung sandwich nila especially the melted cheese. Sana nga lang may kasama syang chips or fries para mas enjoyable sa panlasa. 


Yung mga relo namin sa bahay, hindi na umaandar. Tapos ung favorite kong wallet na maliit, nasira na ung zipper. Last year pa un ha. Kanina lang ako sinipag na ipagawa ung mga yun. Sinabay ko na din ung pagpapalit ng tempered glass ng cellphone ko at cellphone ni Cy. 


Pumunta din kami sa office kasi kelangan namin i-print ung booking confirmation namin sa isang resort in Quezon at gusto ko rin ipasyal si Roti. Nakatakbo na naman sya ng wagas! At nakapag-milk tea na naman ako. Hehehe


Meron akong spot doon sa garden kung san ako umuupo habang binabantayan si Roti. Masarap umupo sa damuhan tapos ung mga paa mo nakaapak din sa damo. May nakapagsabi sakin before na may mga health benefits daw ung naglalakad ka ng naka-paa sa lupa or damuhan paminsan-minsan. 


Dumaan muna kami sa palengke at grocery store bago umuwi. Kelangan ko kasing bumili ng dry and wet dog food ni Roti. Binilhan ko din sya ng DentaStix para kapag nasa loob sya ng carrier, meron syang kinakagat. 

Good night! :)

Comments

Popular Posts