FATHER-IN-LAW'S 62ND BIRTHDAY AT MORALES NATURE FARM, CALAUAN, LAGUNA

So nakita ko nga itong Morales Nature Farm in Calauan, Laguna sa Peysbook a few weeks ago tapos sakto nung malapit na birthday ng father-in-law ko, nasabi ni mother-in-law kay Cy na gusto sana nila mag simba. So ako naman napa-isip... Simba lang? Kulang! Hehehe.

Ang ending, natuloy kami sa outing! 


Morales Farm Resort is less than 2 hours away from Tagaytay kaya hindi na lugi sa travel time kahit day trip lang. Wala pa silang Facebook Page kaya you may call them at 09164646617 to make a reservation.

Their current rate per cottage is P3,000 good for 12 pax na magagamit mo from 8 am to 5 pm.

No corkage fee, bring any food!


We did a potluck. Nagdala ako ng buttered shrimp and salted egg salad. Si Kuya Jeff naman nagluto ng yummy cheesy tahong, tapos si ina (my mother-in-law) bumili ng lechon manok, liempo, at bangus sa Andok's. Nagdala din sya ng kanin and fruits. 


It's actually a double celebration: Ama's birthday and CJ's (my husband's pamangkin) virtual graduation na recently lang natuloy. Unfortunately, hindi nakabili ng mga cakes on our way sa resort.


Hindi lang mga bata at matanda ang allowed dito, pati pets! Hindi nga lang sila pwedeng mag-swimming for some reason. Buti nalang hindi sya natahol kapag iniiwan namin sya na nakatali sa loob ng cottage. Sumisilip lang sya sa amin habang nasa tubig kami. 

At mahilig sya sa prutas tulad ng mangga.


Don't expect crystal clear water, pero it looks clean enough para ma-enjoy ang swimming. Wala ding amoy ang tubig at walang basurang lumulutang. I commend this resort for maintaining cleanliness. May malalaking basurahan sa labas ng bawat cottage, walang kahit isang kalat sa mga damuhan, and the staff are courteous. They always smile and greet you. Sa registration pa nga lang they made us feel welcome! At yung comfort rooms nila, kelangan mo magpalit ng tsinelas bago pumasok para malinis!  However, hindi pa convenient ang paghuhugas ng mga resuable utensils at limited pa ang shower rooms. 

Bawal pala magdala at uminom ng alak dito. 


Glad I wore my hiking sandals kasi mabato sa ilalim ng ilog. Perfect ung temperature ng tubig especially sa summer kasi malamig, pero hindi naman kasing lamig ng tubig na galing sa waterfalls. 


Napaka-lawak ng farm na to kaya Cy and I explored it kasama si Roti. Mga bamboo bridges lang daan para tumawid sa kabilang side. I wonder if gagawan din nila to ng daan para sa mga sasakyan kasi they're building more cottages sa kabilang side, eh nakakapagod un lakarin mula parking lot.


Meron silang malawak na pineapple farm at kung anu-ano pang mga tanim na halaman. Nag enjoy si Roti kakatakbo dahil napaka-laki ng farm lot. Mukhang marami pang plano ang owner nito.


Pwede rin mag kayak for 200 pesos per hour. Nag-rent sina Chelle at Kuya Jeff kasama si CJ tapos after nila kami naman ni ina ang nag consume ng mga natitirang minuto. Isang ikot lang naman ginawa namin. Hehehe. 


Si CJ talaga ang pinaka nag enjoy sa swimming na to. Tuwang tuwa sya umupo sa mga malalaking bato sa gitna ng malakas na agos ng tubig at pamumulot ng malilit na bato sa ilalim ng ilog tapos ibabato ulit sa tubig. Haha!


Around 3 PM kami umalis ng resort. Meron silang malaking salamin sa labas ng comfort rooms. Suot ko na naman ung tie-dye shirt na malimit ko suotin after mag swimming. Pareho kami ni Cy. Haha!


Namili si ina ng mga prutas bago kami mag-exit ng resort. Sa uulitin!


Good night! :)


Comments

Popular Posts