BAGYONG DANTE

10 PM na. Ang lakas parin ng ulan at hangin. Since tapos na kami mag dinner ni Cy at wala naman akong gustong panoorin, mag-blog nalang ako.


Malay ko bang may bagyo ngayong araw. Hindi ko talaga sya nabalitaan!

Sasama sana kami ni Cy sa isang breakfast ride today. Around 3 AM nagising kami kasi biglang umulan ng malakas, eh minsan talaga umuulan ng madaling araw tapos sa umaga maaraw na. Then bumangon ako ng 5 AM tapos nag-plantsa ng damit at naligo. Around 5:30 biglang umulan ulit. Pag check ni Cy sa balita online, may bagyo pala, so we needed to stay home. 

Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagka-bata. Yung nakaligo ka na papasok ng school tapos biglang suspended pala ang klase. Haha! Natulog nalang ulit ako tapos 9 AM ako bumangon. Si Cy naman gising na simula pa 5:30 AM kaya nauna na syang mag-almusal. Dumating din ung mag-aayos ng internet namin kaya makaka-balita na din ako ng bongga sa bagyong Dante.


Medyo nakakatamad kumilos pag malamig at makulimlim ang paligid pero parang mas energetic ako than usual. Nakapagluto tuloy ako ng pesto pasta. lol. Si Cy nanonood ng Lucifer on Netflix.


Sakto nung isang araw, iniisip ko ung first bagyo ni Roti sa bahay... tapos eto na nga si Dante. Madalas syang sumiksik kay Cy hanggang makatulog. Hindi na sya pasaway sa loob ng bahay. May isang spot lang sya ng basahan for peepee and poopoo. Yung poops nya minsan napupunta sa ibang lugar pero most of the time, sa tamang spot naman. Tapos na din sya sa stage na naninira ng furnitures. Yung mga designated toys nalang ang pinapakialamanan nya. Katabi din namin sya matulog sa gabi. 


Nagluto ako ng tortang talong for lunch tapos tamang check ng foodpanda. HAHAHA. Gusto ko ng pizza! Nakita ko ung Juanitos... Free Delivery! Pero mas mahal parin ng 90 pesos ung pizza nila sa foodpanda app. Anyways, I ordered their large pepperoni pizza. 


After 30 minutes, dumating na yung order namin. Binigyan ko pa din ng tip ung rider kasi kahit maulan push parin sa trabaho. Malambot talaga ang puso ko sa mga delivery riders. Minsan nga pag hesistant ako mag-order sa foodpanda kasi nga magastos sa delivery fee + patong sa actual price ng products, tinutuloy ko pa din kasi paano naman sila kikita kung walang customer? Hay buhay.


Anyhow, nagustuhan namin ung pizza! Syempre wag tayo mag expect ng bonggang pizza crust kaya dun tayo sa toppings... na hindi tinipid! Perfect merienda sya! Pag gusto mo magpa-pizza party sa bahay na pasok sa budget, ito na yun! 


Around 4 PM nag-umpisa ng lumakas ang hangin at ulan. Cavite was placed under Signal #2. Si Dante ang unang bagyo ngayong taon na dumaan sa bahay namin. lol. Kung alam ko lang talaga na may ganitong ganap ngayong araw, nakabili sana ako ng pang sopas kahapon. Chicken sotanghon nalang lutuin ko bukas ng umaga kasi nakabili naman ako ng carrot and repolyo. 


Naglinis nalang ako ng mga kuko ko sa paa habang nakikinig sa malakas na hangin at ulan. Si Roti palakad-lakad lang sa bahay. Dapat magluluto ako ng chicken tinola pero dinalhan kami ng mother-in-law ko ng ulam. 


I asked Cy na mag timpla ng kape for me dahil busy ako mag pedicure. Charot. Mukhang mahaba-haba pa ang gabi eh. Parang bukas pa matatapos itong malakas na hangin at ulan. 



Buti nalang hindi kami nawawalan ng internet at kuryente kahit matindi ang hagupit ni Dante. Knock on wood! 11 PM na, mas lumakas pa lalo ang ulan. 

Mukhang mahaba pa ang gabi. 

Comments

Popular Posts