SKY RANCH TAGAYTAY
Ang tagal ko na sa Tagaytay pero ngayon lang talaga ako nakapasok at nag-ikot sa loob ng Sky Ranch. Anyways, dahil nga nabalitaan ko na may Mercato Centrale na sa loob ng Sky Ranch Tagaytay, inaya ko si Cy. One of their food merchants is Queens at Bollywood at alam nyo na, basta Indian food gora akis! Ang plano namin is dalhin narin si Roti sa Paw Park located at Sky Ranch din pero dahil makulimlim at naulan ng araw na to, hindi na namin sya sinama.
We paid P100 pesos each para sa entrance fee. Wala masyadong tao kasi weekday.










Ang tahimik lang. Wala kasing mga bata dahil adults lang naman ang allowed lumabas sa panahon ngayon. Walang nagtatakbuhan, walang maligalig. lol. Required ang face mask at face shield at all times. Even sa pagkuha ng pictures, sisitahin ka ng guard kapag nakitang nagtanggal ka ng mask.

Yung mga nakasakay sa rides, mabibilang mo lang sa daliri mo. Pag sumigaw ka tuloy alam agad na ikaw un. Haha. Si Cy naman takot sumakay kaya hanggang tingin nalang kami. :(

Ung sa mga games na mananalo ka ng stuffed toys wala din naglalaro. Ung ibang mga naka display madudungis na. Medyo nakakakalungkot na ganito ang mundo ngayon. Waaaaa!

Ang lamig ng panahon, buti nalang nakabili kami ng kape. Ang saya ko nung nakita ko ung stall ng Famous Belgian Waffles kasi favorite ko ung instant coffee nila. Syempre tinanong ko na naman si ate kung anong kape nila kasi nga kita naman na instant coffee sya. Sabi nya Malaysian coffee un. Tapos tinanong ko kung meron sa Lazada HAHA. Sabi nya naging exclusive na daw kay Famous Belgian Waffles ung brand ng Malaysian coffee na un. Awww.

Gusto ko sumakay sa Ferris Wheel pero ayaw talaga ng kasama ko. Someday!

Medyo may white steaming na nagaganap kay Taal nung time na yan kaya pinagmasdan muna namin sya. Alam nyo bang first item sa bucket list ko is to explore Taal Volcano Island? Tapos 6 months after ko sya isulat sa blog ko, nag-erupt naman sya. Kakaloka! Dapat talaga kapag may mga plano tayo na kaya naman agad gawin, push na! Life is unpredictable! LINK: https://candidlysheh.blogspot.com/2019/07/our-philippines-bucket-list.html

Finally, food trip! Kaunti lang ang mga food merchants pero keri. Ang sasarap naman ng mga food na nakain namin! Cy ordered crispy bagnet and tofu.

Ako naman, I bought chicken biryani & samosas from Queens at Bollywood. Ang wish ko talaga magkaron ng Indian restaurant dito sa Tagaytay. Hay.

For dessert, we tried the Korean corn cheese. Nagustuhan ko sya! Perfect ung blend ng corn and cheese.
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment