VALENTINE'S DAY 2021

Ang bilis ng panahon! Valentine's Day na naman. Sabi ko kay Cy nage-expect ako ng bouquet PERO hindi flowers. Sabi ko bahala na sya kung anung ilalagay nya. Hehe

Dapat magluluto ako ng pesto pasta, chicken wings, and mashed potato kaso soooobrang traffic dito sa Tagaytay dahil weekend pa tumapat ang Valentine's Day kaya we ordered nalang sa Yellow Cab. I placed my order nung tanghali and asked them to have it delivered by 7 pm.

Si Roti kasama ko sa bahay until nakauwi na si Cy at around 5 pm.


May dala syang bouquet of Ferrero Rocher chocolates! Ang dami! (~‾▿‾)~ Syempre, I loved it! Bibili din sana ako ng chocolates for him pero matindi nga trapik kaya hindi nalang. Charot.


Medyo na-late ung delivery ng Yellow Cab pero keri lang. Ang dami daw kasing nag-order. Sakto gutom na gutom na kami pagdating ng food. May chicken wings, Charlie Chan pasta, and Dear Darla Pizza. Sa sala kami kumain while watching the movie Midway.


Masaya din talaga magpa-deliver ng food sa bahay tapos kakainin nyo together habang nakaharap sa TV. Sa sobrang gutom ni Cy talagang nag-kanin pa sya. Ako keri lang naman, sakto lang.


At talagang di nagpatalo si Roti. Kelangan andun din sya sa sofa kasama namin. Hindi naman sya masyadong nangulit. Napapatingin sya sa TV minsan then matutulog na sya.


Syempre ang dessert ko ay chocolates. Yuuuuuum! 


At si Roti feel na feel nya talaga ung pagtulog. Para talaga syang baby. Actually lahat naman ng puppy ganito. Haha. I'm so happy na may indoor pet na kami na kasama ko sa loob ng bahay pag wala si Cy at nakakasama namin sa mga lakad. :)

Comments

Popular Posts