DAY TRIP IN LAGUNA WITH OUR NEW PUPPY
I've been looking for campsites na malapit lang sa Tagaytay (ung mga tipong 2-3 hours away lang ganern) kasi gusto ko nga mag-picnic at ipasyal si Roti, our new puppy. I opted to go to Lake Yambo in San Pablo City, Laguna kasi harap sya ng lawa. Malapit lang din sya sa Lake Pandin na matagal ko ng gustong puntahan pero kelangan maglakad ng 15-20 minutes doon kaya next time nalang (may kasama akong masakit ang paa) lol.

















Maaga kaming umalis ng bahay kaya sa labas na kami kumain ng breakfast. Ako na nag-drive kasi nga sinumpong na naman ng gout si Cy. Buti nga medyo nakaka-lakad pa sya kaya natuloy parin kami.

Nag-drive thru kami sa Mcdo near Tagaytay Rotunda kasi walang dine-in tuwing Monday sa Tagaytay. Nag-stopover kami along Ligaya Drive overlooking the Taal lake para kainin ung mga binili namin sa McDo. Ang saya saya mag road trip!

Binaba ko si Roti para makapag-pahangin and weewee. Hindi naman sya takot sa paligid nya. Andun lang sya nagmamasid sa mga tao at tanawin. Sana paglaki nya mahilig syang sumakay sa sasakyan at maisasama mo kahit san.

Si Cy naman sa loob nalang sya ng kotse nag-stay. Cheesy Eggdesal lang naman inorder ko kaya okay lang kahit nakatayo ako kumain while hawak ung tali ni Roti at nagmamasid sa tanawin.

Syempre di mawawala ang kape para gising buong araw lalo na ako ang driver. Si Cy naman ang yaya ni Roti. Hehehe.

Walang ginawa si Roti kundi matulog sa loob ng sasakyan. Pag gising nya, mangungulit lang yan saglit tapos tulog na naman. Hindi nya pa na-appreciate ung naka dungaw sa bintana kasi maliit pa sya.

It took us 2 and a half hours drive papuntang Lake Yambo. From the main road, mga ilang kilometers pa papasok sa lawa. Medyo maliit din ang daan kaya be careful sa mga blind curve.

May secured na parking lot malapit sa Lake Yambo. We paid P20 each for the Environmental Fee and P40 naman sa parking area. Super "rural" feels dito na para bang ang layo-layo na talaga ng narating mo.
At alam nyo ba, hindi kami nakabili ng pagkain so paano kami mag-picnic diba?! Kakaloka. Tuwing may madaanan kaming resto or bilihan, "Baka meron pa yan sa malapit." hanggang sa ayun, nakarating na kami ng Lake Yambo na walang dala. Meron namang mga tindahan doon na nagbebenta ng mga tapsi, burger, buko juice, etc.
Nagdala kami ng tent, sleeping bag, banig, at mga throw pillows pero iniwan muna namin sa sasakyan dahil tinignan muna namin ung harap ng lake. Ang ganda! If magdala kayo ng tent, I suggest hapon kayo pumunta tapos mag stay nalang kayo ng overnight kasi walang mga tree shades kung san pede mag-picnic. Maiinitan kayo during daytime. Ang okay gawin dito buong araw is mag-rent ng balsa or cottage at doon na kumain at tumambay.

Ang rate ng balsa is P1,200 kapag less than 6 pax na magagamit mo for 2 & a half hours. Pag more than 6, P200 pesos each na. You can bring your own food or pwedeng magpaluto basta a day before ung order. (PM nyo ko for contact info). The price per plate is P250 na may iba't ibang ulam na.

Dahil di keri ni Cy maglakad-lakad (buti kinaya nya ung mula parking lot), kami nalang ni Roti ang pumunta sa balsa. Okay lang naman mag-picture sa mga balsa nila. Ang tagal ko ng di nakasakay ng balsa kaya medyo kinakabahan ako. lol.

Tumambay lang kami saglit sa waiting area nila tapos umalis na din. Next time mag-rent na kami ng balsa. Pinakain muna namin si Roti at pinainom ng tubig bago umalis. Ang dami nyang nakain.

Doon kami nag-lunch sa Kamayan at Palaisdaan sa Bay, Laguna. Buti pwedeng dalhin si Roti sa loob kaya ayos na ayos ang lunch!

Kaunti lang ang mga tao pagpunta namin dito. Ang sarap lang kumain at magpahinga muna.

We ordered sinampalukang manok, inihaw na tilapia, and kulawong talong. Si Roti naman nilagyan ko ng kanin sa lalagyan nya na may sabaw kaso di nya kinain. Ang nagustuhan nya ung isda.

Sulit ang gutom! Ang sarap ng inihaw na tilapia nila!

At si Roti, tulog na naman. Ang sarap kasi ng hangin at ang presko ng paligid, nakaka-relax.

I ordered halo-halo din! Eh paano ba naman kasi, nasa cottage ka tapos ang harap mo palaisdaan, perfect ang malamig na halo-halo sa magandang katanghalian.

Bumili kami ng suha on our way home tapos kinain agad namin pag-uwi. Napagod ako! Haha. Pero as usual, masaya ako dahil nakagala na naman. Hehehe.
Comments
Post a Comment