NILAGNAT SI CY

Kahapon lang ang saya-saya ko kasi matutuloy kami sa long ride this Friday tapos biglang nilagnat si Cy. Plano pa naman sana naming pumunta sa Dasmarinas today para maghanap ng motorcycle gloves ko and raincoat nya. Kagabi mainit-init na sya tapos ngayon umabot ng 37.9 °C to 38.6 °C lagnat nya. I asked kung aalis pa din kami if ever magaling na sya tomorrow kaso nga 2 days nalang before the trip, baka mabinat pa sya.

Oh well.


Since Cy is staying sa loob ng kwarto na naka-off ang fan, nag-diffuse ako ng essential oil for comfort and para hindi naman mag-amoy kulob sa room. Nakaka-stress kasi lalo pag may sakit tapos ung kwarto amoy pawis or something. I'm using Young Living products pero I will be buying my essential oils from Plant Therapy soon.


Buti nalang naglaba na ako kagabi. After ko magluto ng breakfast and maglinis ng bahay, pumunta na ako sa palengke and supermarket para bilhin ung mga remaining items sa listahan ko. I went to Tagaytay City Market first then sa Robinsons Tagaytay sana ako mag-grocery kaya lang ang daming sasakyan kanina, walang parking space. Instead na maghintay dumiretso nalang ako sa Savemore tapos dun ako nag-park sa harap ng flower shop ng in-laws ko.

I bought Litson Bangus sa Andok's para soup nalang lulutuin ko sa bahay. Madami akong biniling gulay kasi magluluto ako ng chop suey, ginisang ampalaya, monggo, and tortang talong this week. Bumili din ako ng fruits like apples, pears, and dalandan.


Cy managed to eat sa dining table pero kakaunti lang kinain nya. Nag-instant coffee kami after kaya nanood muna ako sa TV bago magligpit ng table. Ung mga hugasin bukas ko nalang gagawin kasi kahit nag-kape ako, ramdam na ramdam ko na ung pagod at antok.

Sana okay na si Cy tomorrow. Good night! :)

Comments

Popular Posts