BUMABA KAMI SA STA ROSA

Mukhang matutuloy lakad namin this week. ~(^-^)~ Dapat maglalaba lang ako today tapos grocery sa hapon pero since kelangan ko ng plain shirts, motorcycle gloves, and raincoat for Cy, pumunta kaming Nuvali.

We had our lunch at TBS Blue Corner Sizzling Express sa may Paseo de Sta Rosa. As usual, nag-order kami ng sizzling pusit and sizzling liempo.


Pumunta kami sa favorite tiangge ko in Sta Rosa para maghanap ng mga plain shirts. Buti nalang may mga nakita ako kahit free size lang. Nung sinukat ko dito sa bahay, ayun, para akong suman! lol. Magkaiba pala mga textures ng tela, sa kulay lang kasi ako namili. Bet ko ung manipis.


After tiangge, pumunta naman kami sa Solenad para tumingin ng mga gamit sa bike at motor. Yung mga motorcycle gloves sa Motoworld na smallest size na ang laki pa din sa kamay ko. T_T. Cy still insists na magsuot ako ng gloves lalo na pag long ride for my own safety.


On our way home bumili kami ng walis tambo. Ang ganda nung walis na nabili namin, mukhang hindi nakakapagod gamitin sa sobrang gaan.


Nakabili din kami ng mangosteen sa Tagaytay City Market. Hindi sya bet ni Cy pero favorite ko to lalo na pag matamis. Madami din syang health benefits kaya bumibili ako nito kapag mura ang per kilo nya.


Dumaan din kami saglit sa supermarket then bumili nalang ng lechon manok for our dinner kasi maglalaba pa ako. Usually naman hindi na ako nagluluto ng dinner pag buong araw akong galing sa labas lalo na pag kelangan ko pa mag-arrange ng napamili namin or may kelangan pa akong gawin.



Good night! :)

Comments

Popular Posts