BIGLAANG RIDE

Kakamiss din pala maging OBR (Official 'Backride'). Last March pa huling ride namin ni Cy nung nag food trip kami sa Ternate at Nasugbu then nagkaron ng enhanced community quarantine. Nakakapag-motor na ulit si Cy these past few weeks but I don't usually join kasi meron naman syang mga kasama. Pero yung binabalak nilang trip soon, join talaga ako! Bahala na mapagod basta makapag-island hopping. Charot! ~(^-^)~


Since sa Rosario in Batangas ang destination namin, sa Ligaya Drive kami dumaan. Wait, gusto ko lang i-mention na sinuot ko ung nakatago kong boots. Haha! Ginamit ko to nung umattend ako ng isang Christmas party last year tapos wala na akong reason para gamitin sya ulit. Lately ko lang na-realize na pwede ko palang isuot to kapag angkas ako sa motor. Sabi ni Cy kulang nalang gloves sa kamay. Hehe.


Wala namang mga checkpoint sa daan. Tuloy-tuloy lang ung ride namin from Tagaytay to Rosario via Ibaan. As usual, ang dami ko na namang nakitang baboy na nakasakay sa truck. Syempre alam naman nating lahat kung san sila pupunta. Huhu. Salamat sa pag-alay ng mga buhay nyo para may makain kami. Waaaaaaaa!


Kumain kami ng lunch sa bahay ng kamag-anak namin in Batangas tapos kwentuhan ganern. Nakatikim kami ng masasarap na pagkain like lumpia, laing, etc... and may super sarap chocolate ice cream pa for dessert! ヽ(´▽`)/


Instead na dumaan ulit kami sa Ibaan, we took another route on our way home kasi hinanap namin ung Brgy Bucal in Padre Garcia. Madami daw kasing halaman dun na mabibili ng mura. Tiningnan lang namin kung totoo ang balita para babalik kami kasama na si mother-in-law.

May mga nakita din akong chicken egg farms kanina. Ayun, sadness na naman. Nakakulong kasi ung mga manok. Sana kasi gawin nalang free-range lahat para masaya! Hay buhay!!!


Sa Lipa kami dumaan then sa STAR Tollway pabalik sa Ligaya Drive going to Tagaytay. Inaya ko si Cy mag-kape bago umuwi kasi talagang kelangan nasusulit ko ang gala. HAHAHA! Nag-stopover kami sa peyborit naming Petron gasoline station in Tagaytay then bumili kami ng brewed coffee and tinapay din. Nagbabadya na ang ulan nung time na yan kaya mas masarap uminom ng mainit na kape. Buti nalang malapit na kami sa bahay nung tuluyang umulan kaya hindi naman kami masyadong nabasa.


Nakabili ako ng Pahimis Blend ng Cafe Amadeo. Akala ko talaga Cafe Amadeo ung tawag sa coffee grounds, un pala ay isa itong kumpanya na nagbebenta ng kanilang Pahimis Blend na combination of four varieties of coffee beans: excelsa, arabica, robusta, and liberica (barako). Wag nyo ako i-judge! lol.
Excited na ako ma-try to pero ubusin ko muna ung ground kapeng barako sa bahay. Lapit na.


Good night! :)

Comments

Popular Posts