NAGHANAP AKO NG LOMI (DAGSA ANG MGA TAO SA TAGAYTAY)

Cy left home at around 5 AM today. Nag-motorcycle ride sila papuntang Quezon. Ako naman maaga din bumangon kasi I wanted to eat lomi sa labas. Haha. Ang sarap naman kasi umalis pag weekend lalo na sa umaga or gabi para kumain and chill lalo na't nakatira ako sa Tagaytay. Mag-bike sana ako ng umaga pero nag-promise na si Cy na may bike ride kami tomorrow morning kaya umalis nalang ako today para kumain ng lomi at mamalengke ng seafood.

Grabe ung eksena kanina! I've heard na matindi na ulit ang traffic sa Tagaytay kapag weekend pero ibang level ung dami ng mga nagmo-motor at nagba-bike pagdaan ko sa highway kanina. Pag-exit ko palang ng barangay namin, hala, ang daming grupo-grupong rides. Amazing!

Umabot ako sa Brgy Casile in Canlubang para lang maghanap ng makakainang lomi. Muntik na nga akong bumaba papuntang SLEX tapos ikot sa Nuvali paakyat ulit ng Tagaytay. lol.


After a few more kilometers, I decided to go back. Pagdaan ko sa Picnic Grove, madami paring mga nakapilang kotse at motor. Excited na talaga ang lahat bumisita sa mga tourist attractions. Ikaw ba naman ma-community quarantine ng matagal. May pandemic pa din pero nawawala na ung takot ng mga tao. Kahit ako man din, I don't worry about COVID-19 na. Knock on wood.

Anyways, sa may Sta Rosa - Tagaytay Road naman ako bumaba. Naalala ko kasi ung mga murang ramen sa Ryuma Shiroi Koibito. Yung lomi naging ramen na.


Ang best-seller daw nila sa ramen is the Shoyu Ramen kaya un ang inorder ko. 80 pesos lang busog na busog ka na. Hindi ko nga naubos sa dami eh. Ewan ko lang pag sa iba. Haha.


Medyo nagsisi lang ako ng slight kung bakit mainit na sabaw ang kakainin ko eh sobrang init ng panahon nung time na yan. Sarado ung main airconditioned restaurant nila kaya sa labas kumakain ung mga customers. Iisang fan lang ung nasa labas tapos nasa kabilang side pa kaya hotness talaga kahit malilim.


Alam nyo ung pag mainit ang panahon parang nakakapang-hina. Pagdating ko sa palengke talagang sa wet market lang ako pumunta para bumili ng seafood like shrimp and tahong. Buti nalang may mga tindahan na super lapit dun, nakabili ako ng butter and ketchup. Gusto ko na talaga umuwi.

Pero syempre dahil adik ako sa milk tea, bumili muna ako bago tuluyang umuwi ng bahay. Haha! Mainit ang panahon kaya masarap uminom ng malamig, masarap, at affordable na milk tea. ヽ(´▽`)/


Nagpahinga lang ako ng very quick tapos naglaba na and nag-fold ng mga bed sheets. Sipag ko no? Char! Nakauwi na din si Cy after lunch then nag-lomi kami kina Kuya Pitot for merienda.



For dinner, niluto ko ung mga seafood na binili ko. Gumawa din ako ng mala-Cajun sauce para sa sawsawan. Nagpakuha din ako kay Cy ng dahon ng saging para boodle fight style.


Nakakaloka ung eksena namin habang kumakain ng dinner kasi pareho na kaming antok ng time na yan kahit around 7 PM palang. Pano naman kasi pareho kaming maaga bumangon at gumala today.

Good night! :)

Comments

Popular Posts