DAY TRIP IN CALATAGAN, BATANGAS
After almost 6 months, nakita ko na ulit ng malapitan ang dagat. ʘ‿ʘ Nakipag-meet kami with some of Cy's fellow riders kaya lang kotse ang dinala namin kasi he's still suffering from a mild gout attack. Ako nalang muna ang nag-drive papunta sa resort.




Namiss ko na naman mag-road trip!! Yung dadaan kayo sa 711 para bumili ng coffee and mag stopover sa mga kainan kapag inabutan ng gutom.
Nakarating kami sa Lago de Oro at around 9 AM. I think the main attraction ng beach resort na to is their cable wake park.

We were waiting for others to arrive at the venue kaya tambay lang muna kami ni Cy while drinking our mochaccinos from 711. Ang sarap mag-relax sa harap ng dagat lalo na siguro kung naglalakihan ang mga alon. lol.

I inquired before kung meron silang stand-up paddle boards pero waley. Dalawang kayak lang nakita ko by the shore and iilang floating balsa.

At around noon low tide na ang dagat. Since may mga ka-chikahan naman si Cy, naglakad-lakad muna ako sa beach. Ang sarap ng hangin at ng buhangin sa aking mga paa. Char! May part kasi na na-stuck yung tsinelas ko kaya napilitan akong maglakad ng naka-yapak.

Nag-coffee muna ako saglit bago kami umuwi. Sayang kasi libre naman. HAHAHA.

Ang sarap talaga pumunta sa beach. Good night! :)
Comments
Post a Comment