POTATO CROQUETTES AT KADRAMAHAN
So eto na nga. Dahil kasalukuyang may pandemya at natigil ang kabuhayan ng maraming tao, nauso ang iba't ibang mga raket. Pati tuloy ako naging interesado ng magbenta kaya I tried selling my potato croquettes. Dapat cookies kaso nga di ko ikinatuwa ang costing nya. lol.

I love potatoes and cheese kaya naman naisip ko na why not ibenta ko ang isa sa mga paborito kong pagkain, right?
Madali lang naman sya gawin. Babalatan mo ung patatas tapos papakuluan mo. After lumambot, mash mo lang ung mga patatas and sprinkle with seasonings. Tapos i-scoop mo sila isa-isa at lagyan ng cheese sa gitna bago bilugin. Kapag nabilog mo na silang lahat, dredging naman ang next step. Yung igugulong mo ang bawat isa sa harina, itlog, at breadcumbs tapos pwede ng iprito.
I've been doing that for years pero ibang level pala ang effort kapag 3 kilos na ng patatas. Huhu.
Feeling ko wala ng katapusan ung ginagawa ko. Ung antok na antok ka na pero parang di nauubos ung bibilugin at ide-dredge mo.
Sa costing naman, okay sya. Sapat na sakin ung earnings na makukuha ko kahit hindi malaki. Sabi ni Cy mahihirapan daw ako ibenta un if I will sell it for P80 na 6 pcs lang ang laman which is true naman kasi madaming walang trabaho ngayon at talagang mahirap ang buhay. Kaya lang, kung bababaan ko pa ung presyo nya para lang makabenta ako, wag nalang. Matagal ko syang ginagawa at nakakapagod, hindi sulit. Tapos may constant fear pa ako na baka may ma-food poison. lol. Ganun akong ka-paranoid.




I'm thankful naman na may mga bumili pa din sa two days kong gumawa ng potato croquettes although yung first day sapilitang nagbenta si Cy sa mga kapitbahay. HAHA! Salamat sa asawa ko for being supportive. Kahit galing sa bulsa nya ung puhunan ko, hindi nya kinuha sakin ung mga kinita sa pagbebenta. Hehehe.

Maaga akong bumangon sa last day ng paggawa ko ng croquettes. Birthday din kasi ng mother-in-law ko kaya nagpaluto sya sakin ng pesto carbonara pasta. Sa pag-prito palang inabot ako ng almost 2 hours.

I was so relieved nung natapos ko silang lahat. Sinabi ko talaga sa sarili ko na last na to. Waaaaaa! Bilib na ako sa mga taong matyaga gumawa ng mga pang-benta nila. Saludo ako sa inyo!

Isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan. Gumagawa ako ng chocolate cupcakes before pero ung pagod sa paggawa ng maraming potato croquettes ay talagang ibang level para sakin.
Mas na-appreciate ko na ngayon ang mga goodies na nakikita kong binebenta sa mga tindahan at online. :)
Comments
Post a Comment