WE BOUGHT MOUNTAIN BIKES!
Kelangan na namin mag-workout kahit papano. Naisip ko na biking is the best option for us since tamad naman kami pareho mag-exercise sa bahay. ¯_(ツ)_/¯ Tsaka gusto ko na rin magkaron ng hobby na pwedeng gawin outside our home and our neighborhood.

Because of the pandemic, tumaas ang demand for bicycles kaya mabilis maubos ang mga murang stocks na alloy frames, so we opted to reserve the Trinx Nana N104 (P10,500) and Biketec BT-708 (P13,500) kahit hindi na within budget.
Cy paid the bikes in full today. Thank you, papi! ( ˘ ³˘)
Ang saya saya ko talaga on our way home. Para akong nag-uwi ng puppy. We named them Smurf (kasi blue) and Trinxie (kasi Trinx).

Pagdating namin sa bahay, nag-merienda muna kami ng pares, beef mami, ihaw-ihaw, and ice cream sa kapitbahay tapos nag-bike na kami ni Cy.

Ang sarap mag-bisikleta! Nakakapasyal ka na, nakakapag-workout ka pa. Un nga lang panay kain before and after. lol.

Nahirapan lang ako sa mga medyo uphill na daan because I have low physical stamina at ang sakit sa mga hita. Kakaiyak!

We had a few stopovers para makapag-pahinga ako. Wahaha! Kakapagod kaya. Pero ang saya! Lalo na nasa probinsya kami: madaming mga puno, halaman, taniman at mga tahimik na bahayan kang madadaanan. Ganern! Ang ayoko lang ung hahabulin ka ng mga aso sa daan tapos kakagatin ka. Waaaaa! T_T


Pag-uwi namin, naligo ako tapos nagluto na ng dinner and gumawa ng favorite kong polvoron.

8 PM palang antok na antok na ako. Bukas daw mag-bike ulit kami ng maaga.
Good night! :)
Comments
Post a Comment