GETTING UP EARLY & DEACTIVATING FACEBOOK
As of today, may 57,006 COVID-19 cases sa Pinas. Hindi pa naman ako nagpa-panic pero last night napa-isip ako. Pano kung mahawaan din ako ng sakit na to? Ikamamatay ko kaya un or makakaranas lang ako ng mild symptoms, or magiging totally asymptomatic ako? Hay.
Lord, please keep everyone safe especially my loved ones.
Anyhow, diba we bought brand new bikes two weeks ago. Simula nun ang aga na namin bumabangon sa umaga. Pinaka-late ko na is 7 AM. Now I have a reason to get out of bed ng maaga. Ang sarap sa feeling kasi mas productive ako and happier. Nung una nakakatulog ako sa tanghali or hapon pero ngayon buong araw akong gising. Yun nga lang madalas iniiwan ko nalang mga hugasin ko sa gabi kasi inaabot na ako ng matinding antok around 8 PM. Siguro I need to prepare and eat dinner earlier than usual para maaga din makapag-pahinga sa gabi. Cy usually volunteers to clean the dishes pero madami naman akong idle time sa bahay and he's the one who works for us kaya sinasabi ko sa kanyang ako na bahala dun the next day.




Madalas may mga kasama kami ni Cy mag-bike sa umaga kaya lang I couldn't keep up kasi I have low physical stamina. Kelangan ko ng frequent rest periods lalo na pag nasa uphill road tsaka hindi naman ako nagmamadali kasi un ang time ko to enjoy the sceneries kaya I've decided na it's either ako lang mag-isa or si Cy lang kasama ko. If they have plans, keri lang. Basta kung may ibang ganap si Cy, edi mag-isa lang akong mag-bike.
I also can't wait na makapunta sa mga scenic bike trails dito sa Pinas.

Anyhow, next topic. lol.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-deactivate, nag-delete, at nag-create ng bagong Facebook account. Ewan ko ba. Naloloka na talaga ako. Baka kasi hindi para sakin ang Facebook. May Messenger pa naman ako, so di naman ako entirely dedma.

Baka nga I should focus on blogging instead. Personal blog lang naman, hindi para mag-earn. Nag-Tagalog na nga ako eh para di na ako mahirapan since public diary ko lang naman ito.
My blog is my stress reliever, my outlet. Masarap lang mag-kwento ng mga bagay-bagay thru writings kasi para kang may kaibigan who actually listens to you at hindi judgmental.
Di bale ng walang makabasa. Ang mahalaga masaya ako. Char!

Nag-bike kami kaninang hapon ni Cy tapos may nakita kaming malaking puno. Namiss ko tuloy ung childhood ko. Di pa kasi uso ang cellphone at social media noon kaya talagang puro laro lang inaatupag ng mga bata.

O sya. Basta, ayoko na talaga bumalik sa Facebook na may "friends". Gusto ko nalang manahimik at makibalita thru Messenger. Right now gumagamit ako ng dummy account on Facebook to follow Pages ng mga news, memes, etc.
Sana mapanindigan ko na to.
Comments
Post a Comment